^

Kutob

Abril 22, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maging alerto sa paligid kung nasa labas ng bahay. Kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat maaaring mawalan ka ng gamit. Ilagay lagi sa isipan ang mga mahahalagang bagay para ito ay hindi makalimutan o maiwaglit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 13, 28 at white.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang kaunting suliranin sa negosyo o hanapbuhay kung hahayaan ay maaaring maihambing sa isang saranggola na nawalan ng hangin. Ang maagap na paghanap ng tamang solusyon ang tamang paraan para rito. May pagkakataon na maagapan at mahanapan ng solusyon ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 38 at sapphire blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masigla ang katawan kung patuloy ang pag-aayos ng tahanan. Ang personal na suliranin ay maaaring makatagpo ng katapat na solusyon. Patawarin ang nagkasala para gumaan ang hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 38 at pink.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Pigilin ang sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Makakabuti kung paiiralin ang disiplina sa sarili. Pag-isipan ng mabuti ang mga bagay-bagay bago gumawa ng hakbang o desisyon. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 32 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang may hindi inaasahang panauhin na hihingi ng tulong, ngunit hindi kayang paunlakan. Malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay kung iiwasan ang mga tsismosa. Huwag magtiwala kahit kanino ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 19, 21, 31, 41 at dollar green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Iwasan ang maging masalita at baka makasagupa ng katapat. Maaaring makatagpo ng taong madaling mag-init ang ulo. Malaking pakinabang ang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Magpasalamat dahil magiging magaan ang pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 21, 23, 24, 34 at magenta.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may dinaramdam, tiyakin na magpatingin kaagad sa doktor. Huwag basta uminom ng gamot at baka ma-allergy. Iwasan na matuyuan ng pawis sa katawan, mabasa ng ulan o ambon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa. Kakailanganin ang ibayong pag-iingat bago pumalaot sa isang pakikipagsapalaran lalo na sa negosyo. Iwasan ang mga bagay o inumin na makakasama sa lalamunan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maging matatag sa pagharap sa katotohanan. Huwag iwasan ang responsibilidad na naka-atang sa iyong balikat. Kailangan pairalin ang tamang pag-iisip sa mga gawain para maiwasan ang magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 25, 42 at cannary yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Ituloy ang mga gawain sa kabila ng mga hadlang. Ang maging maagap sa lahat ng bagay ay may dulot na pakinabang. Nababagay ang pakikisalamuhang sosyal kaya huwag paalpasin kung may pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 26, 37, 40 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Paglabanan ang tukso ng karangyaan, sapagkat alam ng sarili na may kakapusan sa pera. Matutulungan ng isang kaibigan o kaanak sa suliranin kung magiging tapat. Iwasan ang ano mang uri ng paanyaya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 31, 39 at emerald green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Maaaring hihingi ang katawan ng paglilibang. Mabuting paglabanan ang masamang bisyo sapagkat bukod sa magigipit sa pera, malimit away pa ang mapapala. Tiyakin na hindi mangutang dahil mahihirapan magbayad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 10, 14 at platinum pink.

vuukle comment

KUTOB ABRIL 22

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with