^

Kutob

April 18, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Ang payo tungkol sa pinansyal ay isaalang-alang. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad, makakapagbukas  para sa bagong pag-ibig. Ang magmadali sa pagpapasya ay maaaring maglalagay ng sarili sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na panahon, magpahinga at alagaan ang sarili. Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal, na dapat pahalagahan. Kailangan ang mag-ingat. Simulan ang magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok para may magamit kung may kailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari, magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magsabi ng tapat at totoo. Patunayan ang katapatan sa kapwa at sa sarili. Iwasan ang magsinungaling dahil mawawalan ng tiwala ang kapwa. Maaaring may pa-subok mula sa trabaho o relasyon. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan o mag-ingat sa mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. May pagbabagong mangyayari na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi dahil malaking tulong ito ngayon. Hindi tama ang pagwawalang-bahala sa a suliranin. Dapat kumilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Iwasan ang hakbang na may kinalaman sa pera. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran o hindi makakabayad sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag padala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa babae, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang kumplikasyon tungkol sa salapi, sa nagdaang araw ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing sitwasyon. Huwag pansinin ang usapan na walang halaga dahil mapapasangkot sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Abalahin ang sarili sa pag-gawa sa loob ng tahanan, dahil magbibigay ito ng kasiyahan sa sarili. Sa paraang mahinahon, ang suliranin na kinasasangkutan sa trabaho o sa tahanan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliranin sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Tumpak ang panahon sa pagpapayaman ng talino at kaalaman. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat bigyan ng kaukulang pansin at pagpa-pasalamat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Taglay ang liwanag at malikhaing isip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matatapos ang sinimulang gawain ng walang hadlang o abala. May pangyayaring magaganap na hindi inaasahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at indigo.

vuukle comment

KUTOB APRIL 18

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with