^

Kutob

March 24, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Makakagawa ng bagay na kapaki-pakinabang sa sarili, tahanan, pinapasukan o opisina. Mag-ingat sa pagbubuhat ng mabigat na bagay dahil may kahinaan ang baywang at tuhod. Kung ayaw magkaroon ng kagalit huwag magpautang. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 31, 43 at yellow gold.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) – Mabiyaya ang panahon kung gagamitan ng wastong pamamaraan sa hanapbuhay. May pagbabagong magaganap sa buhay kung buo ang loob na makipagsapalaran. Ang suliranin ay malulutas kung hahangarin. Ang pangakong napako ay may pagkakataon para matupad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 15, 28 at lavender.

GEMINI (May 21- Hun. 21) – Malaki ang pag-asa na magtatagumpay sa sinusuyo kung lalakarin sa umaga. Maaaring makagawa ng mahalagang desisyon tungkol sa kapatid, kamag-anak o kaibigan. Huwag abusuhin ang sarili sa labis na pag-inom ng alak o pagpupuyat dahil malapit na ang paniningil sa abusong ginagawa sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 21, 40, 41 at cream.

CANCER (Hun. 2 - Hul. 22) – Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan dahil may ilan na mapagsamantala at gagamitin ka lamang. Panindigan ang nabitiwang pangako. Magkakaroon ng pagka-alintana sa gawain. Iwasan ang mga pagkaing makakasama sa lalamunan at sikmura. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 24, 40 at peach.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) – Matatanggap sa trabaho kung mag-aapply o magpa-follow-up. Ang mahal ay maaasahan ng tulong. May mga kaibigan na handang magmalasakit o maghandog ng tulong kung kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 28, 31, 39 at jade green.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – Isang hindi inaasahang balita ang magbibigay ng ligaya o kalungkutan. Mag-ingat sa mga matutulis at matatalas na bagay. Iwasan ang mamagitan sa walang kabuluhang pagtatalo para hindi masangkot sa gulo ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 26, 37 at emerald green.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – May panahon para pag-ukulan ang pansariling balak o gawain. Magagawa kaagad kung ano ang plano. Maging totoo sa sarili at iwasan ang pambobola. Ang pagsisinungaling ay may kabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 24, 33, 38, 42 at midnight blue. 

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) – Malamang makakadalo sa isang pagtitipon na hindi inaasahang mapupuntahan dahil sa kaibigan. Ngayon may bantang maloko kaya huwag ibigay ang lubos na tiwala lalo na sa hindi lubusang kakilala o sa taong may pagdududa. Lucky numbers at color for the day ay 15, 26, 36, 42 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) – Magkakabuhol-buhol ang mga gawain. Magtiwala sa minamahal dahil kung walang tiwala, wala ng silbi ang pagsasama. Kung may pananagutan, iwasan na maghangad ng bagong relasyon sa pag-ibig dahil mabubuking. Isang matalik na kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 19, 41 at garnet.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) – Walang maaasahan ngayon sa mga kaibigan kahit na best friend o kamag-anak pa. May kaabalahan ang mangyayari ng dahil sa trapik o ibang dahilan kaya agahan ang paglalakad kung may pupuntahan. May pagbabagong magaganap sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 14, 36, 37, 40 at white.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) – Mapalad ka ngayon sa kalakal at pag-ibig. Ang tiwala ng kapwa ay dapat suklian ng tapat na paglilingkod at hangarin. Magiging magaan ang pasok ng pera, gayundin ang halos lahat ng bagay sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 16, 26, 33, 44 at blue.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) – Magandang kapalaran ang naghihintay sa personal na hangarin kung kikilos kaagad. Mabibigyan ng tamang solusyon ang suliranin sa tanggapan o tahanan kung aaksiyunan kaagad. Isang kaibigan ang tatawag ng pansin dahil sa kakulitan o kadaldalan. Lucky numbers at color for the day ay 14, 25, 34, 42 at lemon green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with