^

Kutob

March 15, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Malaking problema ang relasyong pinasukan. Magulo ang isipan at magiging matamlay. Kung magpapatalo sa emosyon, makakaisip na sirain ang sarili na dapat paglabanan. Iwasan na magpatangay sa bugso ng damdamin dahil dadalhin ka sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang proyekto ang hahamon sa talino ang darating. Malamang mahirapan ka subalit kung pagsisikapan, tiyak magtatagumpay. Sa anumang gawain, kung magiging masaya sa ginagawa ay magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag mag-alala kung may nawalang bagay dahil ang balik ay mas higit pa. Kung nag-break o nagkatampuhan, magpasalamat dahil sadyang hindi magkakasundo at bagay lamang na hindi magkatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Walang problema sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat na ikabahala, magiging maayos ang takbo ng lahat subalit iwasan ang mga barkada. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 40 at brown.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Walang dahilan para magkamali. Kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ng walang pag-aalinlangan. Masarap kang kasama ngayon dahil masayahin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maraming gawain subalit kailangan bigyan ng panahon ang pagpapahinga. Hindi mabuti kung magpapatuloy sa mga gawain  kung nakakaramdam ka na ng pagkapagod. Isang kasambahay ang maglalambing, maghanda dahil may kailangan siya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at jade green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magdiwang dahil makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. Mukhang may kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan, subalit hindi ka naman direktang kasali. Subukan ang mamagitan para maayos ang gusot. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung ano ang gagawin, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin dahil walang katiyakan ang takbo ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at cream.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Hindi maiiwasan ang argumento subalit mailalayo ang sarili sa away, na siyang dapat gawin. Huwag patulan ang argumento dahil magsisimula ito ng simpleng hindi pagkakaunawaan. Ang dapat gawin hangga’t maaari ay abalahin ang sarili sa mga gawain na may pakinabang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung ano ang binabalak, maisasagawa. Walang sagabal sa mga plano kaya kilos hangga’t may panahon. Magiging maunlad ang negosyo at masaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 23, 39 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mag-ingat sa mga ginagawa dahil magiging pabaya at lapitin ka sa disgrasya. Kung may gagawin, tiyakin na hindi labag sa kagandahang asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba at ng sarili. Tiyakin na ang ginagawa ay nasa isip at hindi dikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) –  Dalawa ang mukha ng pag-ibig, kaligyahan at kalungkutan. Kung kaligayahan ang daranasin, magpasalamat; kung kalungkutan, huwag magtaka dahil sadyang ganoon ang gulong ng buhay. Walang katiyakan ang mangyayari kaya maging handa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at violet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with