^

Kutob

March 13, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Walang masama kung aalamin muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan ang nasa huli. Selos ang magiging puno’t dulo ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan. Ang suliranin ay mareresulba sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malakas ang ESP kaya kung inaakala mong tama ka, gawin at huwag na magdalawang isip. Maliban na lang kung labag sa batas ng Diyos at tao. Huwag magsugal. Lucky numbers at clor for the day ay 4, 29, 31, 39 at orange.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Nasa tamang daan ng kaunlaran ang iyong nilalandas, kaya ituloy ang ginagawa. Makakasagupa ka ng pagtutol sa iyong mga binabalak, huwag padala. Ang payo o suhestiyon ay dapat pakinggan at timbangin. Kung mabuti, sundin; kung masama, iisantabi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 39 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi masama kung kasinglawak ng langit ang iyong pangarap sa kaunlaran. Ang hindi maganda ay kung hanggang pangarap ka lamang at wala sa gawa, kilos, sikap at tiyaga. Magbanat ka ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 18, 30 at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Diplomasya ang kailangan dahil may makakasagupa kang kailangan ng magandang paliwanag. Ang pagkamaunawain at mapagpasensiya ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 38 at cream.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maaasahan ng malaking pakinabang ang ibunga ng ginagawa. Magtatagumpay sa nilalakad kung lakarin ngayon. Kung nag-aapply ng trabaho at lalakarin ngayon malaki ang posibilidad namatanggap, kaya sugod. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 41 at green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maganda ang iyong hangarin, ang kulang lamang ay implementasyon at paggawa. Kung sisimulan gawin ang binabalak, tiyak may magandang resulta. May mga balakid kang makakasagupa ngunit kung buo ang loob, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung aabot sa sukdulan ang iyong pagtitimpi, makakabuting umiwas dahil masama ang mangyayari. Madali ang makipag-away pero masarap ang mabuhay ng walang kaaway. Madali kang mapipikon at mag-iinit ang ulo. Taglayin ang magdalawang-isip sa gawin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 14, 31 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mapaghinala ang minamahal. Mag-ingat sa komunikasyon o sa pakikipag-usap sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Kung may usok, may apoy. Kaya kung may sikreto, malamang matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 39, 41 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang disiplina sa sarili, ihahatid ka nito sa kapahamakan. Huwag basta maniwala sa tsismis at sulsol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 29 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Tiyaga at sikap ang maliwanag na sikreto ng tagumpay. Kung ito ay palaging taglay, walang dahilan para maghikahos o danasin ang hirap. Nasa sariling gawa at wala sa iba ang sitwasyon sa kasalukuyan. Huwag isisi sa iba ang sariling kagagawan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) –  Malapit ka ngayon sa mga taong mapagbiro at makantiyaw. Magiging maintin ang ulo dahil sa personal na suliranin. Huwag patulan ang biro o kantiyaw dahil hahantong sa hindi magandang pangyayari na pagsisisihan sa huli. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 30, 36 at fuchsia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with