^

Kutob

Pebrero 25, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may karamdaman, iwasan ang basta na lang uminom ng gamot na hindi inireseta ng doktor. Huwag basta maniwalang uminom ng gamot na iminungkahi ng iba. Iwasan ang magbuhat ng mabigat dahil may kahinaan ang likod at baywang. Iwasan ang matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 39, 43 at ocean blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Tigilan at huwag asahan ang pangarap. Kumilos para magkatotoo ang mga plano. Ang inaakalang malaking hadlang ay siyang mapapakinabangan. Ang mga taong hindi sumasang-ayon noon ay magiging kapanalig ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 34, 41 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nakadepende sa gagawing hakbang ang kahihinatnan ng gawain. Sa negosyo, matumal ang kinikita. Huwag magmalabis, lumaban ng patas. Ang panlalamang sa kapwa ay magbabalik ng doble sa iyo. Mapipikon ang iyong kausap kaya mag-ingat sa mga bibitiwang salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 34, 42 at brown.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Mag-ingat at protektahan ang kapakanan sa lalapit na mapagsamantala. Kahit abala at marami kang gagawin, hindi makakatanggi sa hihingi ng iyong tulong. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 28, 37 at blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang matagal nang problema ang reresulba. Dahil sa isang programa sa TV, magkakaroon ng magandang ideya na magagamit sa iyong trabaho. Huwag panay isip at plano, kumilos at gawin kaagad ito. Lucky numbers at color for the day ay 12, 29, 32, 38 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Gawing presentable palagi ang sarili dahil ito ang malaking puhunan para magtagumpay ang propesyon at hindi mawala ang paggalang ng makakaharap o makakausap. Mas lalo kang hahangaan kung magiging totoo at hindi magiging plastic. Lucky numbers at color for the day ay 2, 29, 33, 39 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung hindi ka mag-iingat, malamang ikaw ang pagsisimulan ng gulo sa trabaho. Mahalaga sa iyo ngayon ang makisama ng mabuti at iwasan ang pagpuna sa gawain ng iba. Pag-aralang mabuti ang alok o mungkahi na ibinigay para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 36, 39 aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Wala kang pagdududa sa sarili at malakas ang loob na sumubok ng bagong istratehiya. Dahil taglay mo ang katangiang ito, hindi mo ikakahiya ang resulta ng iyong ginawa. Magiging positibo ang mga plano sa sarili, na malaking tulong din sa pag-unlad ng iyong career. Lucky numbers at color for the day ay 6, 26, 31, 36 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging maikli ang iyong pasensiya, may gawain ka na basta na lang iiwan. Sikapin na maging kalmado lalo na sa bandang hapon, dahil baka mahanap mo ang iyong katapat. Iwasan ang makipagtransaksyon dahil magiging negatibo ang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 35, 37 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may oportunidad, makapagtatayo ng negosyo. Dapat itong simulan ngayon dahil magiging maunlad ito, ayon sa suwerte ng kalikasan. Igalang ang paniniwala ng iba kung gusto mong igalang ka sa iyong paniniwala. Kung aayusin ang iskedyul, tiyak hindi magkakabuhol-buhol ang mga gawain mo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 33, 17, 29 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung tutuusin, kayang-kaya mo ang mga gawain na nakaatang subalit sa labis mong tiwala sa sarili, magkakamali ka kung hindi mag-iingat. Magiging kabaligtaran ang mga pangyayari, kaya huwag magtiwala. Ang inaakala mong tama ay magiging malaking kamalian at ang inaakala mong kamalian ay siyang magiging tama. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 19, 24 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Masaya ang gagawing pakikisalamuha sa ibang mga tao. Pero mag-ingat, may bantang mawawala sa iyo. Maging sa tahanan, huwag magpabaya at baka maakyat-bahay. Mag-ingat sa sunog. Sa love life, maaari mong idaan sa biro ang gustong sabihin na taong mahal mo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 14, 41 at violet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with