^

Kutob

February 23, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Nasa kondisyon, kasiglahan at handa ka na harapin ang kahit ano. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat  dahil isang kaibigan ang malamang magtraydor o magtaksil. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan ng walang masaktang damdamin. Maghunos-dili at pigilan ang galit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at lavender.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawing pagbabago ngunit mahihirapan na magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil wala ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at light green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –   Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak, subalit tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa payong maririnig. Pag-aralan muna ng mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang masasagap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Dagdagan ang tiyaga at manalangin para makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon at magdahan-dahan sa lahat nang gagawin. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang kabuhayan  at pag-ibig. Maaliwalas ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kahit anong paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na paglalakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May mag-aalok ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihang maibibigay kaysa sa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng postibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito para manumbalik ang enerhiya ng sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at ang madaling pag-init ng ulo. Huwag maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang tunay na kaibigan, sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with