^

Kutob

February 22, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang maganda, matutuwa ka sa hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biro para hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lumulandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sa mga nag-apply ng trabaho lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga pakay sa hapon ay huwag ituloy, dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksiyon ang dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May solusyon ang matagal nang gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Mag-doble ingat dahil may kaibigang maghuhudas. Lucky numbers at color for the dauy ay 6, 11, 28, 36 at avocado green. 

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa masama ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari, huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.  

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Sa tiyaga at sipag, makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, doblehin ang sipag at tiyaga sa mga gawain. Kung may planong gawin para sa kaunlaran, simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Sa gawa at wala sa salita makikita ang tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may iuuwing pasalubong si mister magiging matatag at maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga ng tungkulin o pagsunod ng mga payo ng magulang. Maaakit ka sa isang tao o malamang titibok ang iyong puso subalit dapat mag-ingat at alamin muna ng mabuti ang kanyang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensiya sa dapit-hapon o gabi. Pairalin ang pagkamahinahon ng walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –  Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasang maambunan o maulanan at matuyuan ng pawis. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay, kaya magsikap na makatapos ng kurso. Ugaliin na hindi palaging mahuli sa oras ng pasukan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavender. OL

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang pangyayari kung magiging alerto at hindi magdedesisyon ng walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang transaksiyon o meeting. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 36, 37 at yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with