^

Kutob

February 19, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May darating na suliranin ngunit madali mong malulutas. Tuklasin  ang dahilan kung bakit hindi nangyayari ang gusto mong mangyari. Ikaw lamang ang nakaka-alam kung bakit may kapalpakan kang nagawa. Lucky numbers at color for 12, 25, 37, 42 at fuchsia.

ARIES  (Marso 21- Abril 19) – Isang tao ang aakit ng iyong atensiyon. Bago mahulog ang kalooban, alamin ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Huwag magtiwala dahil nakapaligid ang mapagkunwari. Maging alerto para hindi mapeke. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at brown.

TAURUS  (Abril 20- Mayo 20) – Mauubos ang oras na walang mangyayari kung aasa sa iba. Kung gustong matapos ang gawain, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ang iba ayaw tumulong. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang problema sa relasyon kung patuloy magbulag-bulagan ay walang solusyon na mangyayari. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyong nanganganib na masira. Kung pagtutuunan ng pansin, madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

CANCER  (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa bibitiwang salita dahil may magagalit o masasaktan ang damdamin. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapagsalita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at blue.  

 

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Hindi dapat ipilit sa kanya kung ano ang gusto, dahil pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan at malamang hahantong sa away. Lingunin ang iyong mga nakaraan nang makaiwas sa muling pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

VIRGO  (Agosto 23- Setyembre 23) – Maging praktikal at sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

LIBRA  (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung magmumukmok ng dahil sa problema, pinahihirapan mo lang ang sarili. Tanggapin ang pagkakamali ng iba, dahil walang taong perpekto sa mundo. Kung naghihinanakit ang kalooban dahil sa kagagawaan ng iba, mabuting kausapin sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –May mga pagbabago kang dapat gawin at kung ito ay magawa, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. May dapat kang pakinggan na suhestiyon o mungkahi na dapat sundin. Huwag aksayahin ang panahon, kumilos kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at navy blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung inaakalang ikaw ang nagkamali at gustong magkabati, huwag mahiya na ikaw ang unang lumapit. Masusurpresa ka sa araw na ito dahil may mangyaring hindi inaasahan. Maging alerto sa anumang mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan makagawa ng bagay na makakasakit sa kalooban ng minamahal, dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensiya sa kasambahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang sobrang pagsubsob sa trabaho at kakaisip sa pagresulba ng problema. Mas magiging maayos ang situwasyon kung magre-relaks o mamasyal para makasagap ng panibagong enerhiya ng kasiglahan. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili sa biro dahil ikaw ang talo. Hangga’t maaari, makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with