Enero 2, 2018
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

CAPRICORN(Disyembre 22- (Enero 19)

Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi mo akalain na siya pala ang iyong lihim na mangingibig. Pag-isipan nang mabuti kung tutugunin para  hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 27, 35 at metallic silver.

AQUARIUS(Enero 20 - Pebrero 18)

Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago sa kabuhayan, opisina o trabaho. May balakid sa larangan ng pag-ibig ngayon. Kung may asawa, malamang pinagdududahan ng kabiyak o siya ang may nadaramang pagka-akit sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 35, 39 at avocado green.

GEMINI(Mayo 21 - Hunyo 21)

Ang mangyayari ay nasa iyong panig. Kung mag-a-apply ng trabaho, matatanggap kung lalakarin sa umaga. Kung may nasimulan, matatapos nang walang sagabal. Walang magiging problema sa trabaho at tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 13, 39 at emerald green.

PISCES(Pebrero 19 - Marso 20)

Sa kabila ng kabiguang nararanasan, mapapaunlad ang karunungan. Maisasaayos ang kalagayan ng buhay. Huwag matakot na makipagsapalaran sa negosyo dahil uunlad kung sisimulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 22, 37 at dollar green.

CANCER(Hunyo 22 - Hulyo 22)

Diplomasya ang kailangan mo ngayon. Malamang magkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Kung magiging mahinahon at maunawain, maraming hahanga sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 27, 37, 41 at electric blue.

LIBRA(Setyembre 24- Oktubre 23)

May susubok ng iyong pagtitimpi o kakayahan. Ngayon mo gamitin ang iyong hinahon at talino. Huwag mainip sa paghihintay sa kausap dahil maaalintanang darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 15, 30 at aquamarine.

ARIES(Marso 21 - Abril 19)

Handang makiisa ang pamilya sa layunin o binabalak. Malamang magkaroon ng bagong manliligaw o
pag-ibig. May magtatangkang makialam sa trabaho o desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at tan.

LEO(Hulyo 23 - Agosto 22)

Tiyakin na hindi mawawala ang tiwala nang nakakataas sa trabaho o pinapasukan. Mag-ingat dahil may taong naiinggit dahil sa iyong tagumpay. Walang problema sa pinapasukan subalit magkakaroon ng gusot sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 42 at orange.

SCORPIO(Oktubre 24 - Nobyembre 22)

Magkakaroon ng katunggali at masusubok ang iyong kakayahan. Maaa-ring magkaroon ng diskuntento sa pinaglilingkuran dahil sa iyong performance o dahil sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 12, 44 at white.

TAURUS(Abril 20 - Mayo 20)

Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan subalit mananaig ang pagkatamad. Malamang makakapunta sa lugar na hindi  pa nararating. Ngayon mo harapin ang dapat ayusin tungkol sa negosyo, sa trabaho o tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 41 at oak brown.

VIRGO(Agosto 23 - Setyembre 23)

Magiging daan ka sa pagkakabati ng miyembro ng pamilya o kasamahan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Magkakaroon ng sideline at kikita ka. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 37, 45 at light blue.

SAGITTARIUS(Nobyemre 23 - Disyembre 21)

Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Nakatakdang magkaroon ng problema sa karelasyon na dapat ayusin kaagad upang hindi lumala. Huwag idaan sa galit o init ng ulo ang pagresulba sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 28, 38 at orange.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with