Enero 1, 2018
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2018 - 12:00am

Manatiling kalmado. Ang pagkataranta at pagmamadali ay lalong magdudulot ng hindi maganda at pagkalito. Resulbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Malulutas ang suliranin kung hindi magiging emosyonal dahil madaling makakahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay  4, 10, 26, 30 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) - Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung malungkot o nasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kalianman mabuti ang mabuhay sa pagkukunwari, dahil walang ibang niloloko kundi sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) - Ihanda ang sarili sa hamon na darating. Pinansiyal, pag-ibig o damdamin ang suliranin pero tiyak na makakayang lutasin kung hindi emosyon ang iiral, makakahanap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 44 at jade green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) - Ano man ang gawain, tiyak maganda ang kalalabasan. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na madagdagan ang kaibigan, may makakaaway. Mag-ingat sa bibitiwang salita nang hindi makasakit ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) - Ang akalang kay hirap gawin ay mamaniin lang kapag nasimulan. Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, kilos at makita na magiging masaya ang bawat saglit. Iwasan ang tsismis para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 23, 37 at green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) - Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda ng mood. Huwag mahiyang sabihin kung may kaunting problema na dinaranas. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at rainbow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) - Walang sino man ang maaaring uminsulto, iyan ang prinsipyo ng iyong pagkatao. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim at minsan ay nasa ibabaw. May mga pagkakataon na ang pride ay iisantabi muna. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) - May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Iwasang magpadalus-dalos ng desisyon. Isaisahin ang hakbang hanggang sa makamit ang gusto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 34, 41 at neon green.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) - Himala dahil marunong ka ngayong makisama at makibagay. Ang ugaling ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Panatilihin ito para lalong dumami ang iyong kaibigan. Panahon nang pagbabago ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at red orange

LIBRA - (Setyembre 24-Oktubre 23) - Pairalin ang isip hindi ang emosyon. Bagama’t mabigat ang timbang ng pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at golden brown.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) - Isang Taurus o Virgo ang makilala na posibleng humantong sa relasyon. Kung isang Gemini ang makikilala, hangga’t maaga dapat iwasan. Nasa panig mo ngayon ang mahalang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at silver.

SAGITTARIUS (Nobyemre 23-Disyembre 21) - Isang balita ang matatanggap na tiyak makapagpapasaya sa’yo. Maghanda dahil ang kasiyahang madarama ay may maitim na ulap ng lungkot o hinnanakit na kapalit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with