Disyembre 28, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2017 - 4:00pm

Pagtitibay: Pagbabago para sa higit na kabutihan ko, ang laan ng mabuting Manlilikha ko. Pag-ibig niya ay hindi nagbabago.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisimula ngayon. Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakikisalamuhang sosyal. Sa mga dalaga’t binata, ang sobrang pagpapahalaga sa kasintahan ay maghahatid ng kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 23, 41 at royal blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Dahil sa dami ng gawain, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit na dapat iwasan. Hinahon at katiwasayan ng isip ang dapat pairalin. Ang pagri-relax o pamamasyal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 36, 34 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang dayuhan ang mapapalapit sa puso. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig subalit huwag padala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May babalang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 31, 42 at ruby red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa kalooban. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan ng matapat at magandang kalooban. Kapupulutan ng magandang aral ang maririnig sa mga nakakatanda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 23, 42 at mustard yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malulutas ang suliraning bumabagabag sa sarili. Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Mapalad ang makipag-transaksyon ngayon sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 25, 27 at white.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang patuloy na pagsisikap ay magiging daan upang maisakatuparan ang mga binabalak at hinahangad. Ang pakikipag-ugnayan sa sulat, telepono o anumang uri ng komunikasyon ay mahalaga ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 20, 24 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Malamang makakakilala ng isang mayamang biyudo na mag-aalay ng pag-ibig. Magiging masaya ang araw mo. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit. Walang balakid na maisasakatuparan ang lakarin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 22, 42 at marine blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Lumalandas patungo sa katuparan ang mga pangarap. Ang bumabagabag na kalungkutan o katamlayan ay mahahalinhinan ng kaligayahan. Makakabuting kumilos agad bago mahuli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 30, 34 at lavander.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May ilang taong nagnanais na gamitin ka sa pansarili nilang interes. Ang hindi pagkakasundo sa mga ideya ay siyang magbibigay ng kalungkutan at katamlayan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 40 at orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Pakinggan ang pangaral ng nakatatandang kaanak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag magpadalus-dalos sa gagawing desisyon. Ang pagsisikap ay naka­tuon ngayon sa tahanan at trabaho. Mag-ingat at may pagkakataong makaharap ang isang taong mahirap makaunawa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 29, 32 at midnight blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Umaa­yon ang araw sa gawaing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon. Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Iwasan ang mangako dahil mahihirapan na isakatuparan ito. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 21, 39 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali. Ang lahat ay makikiisa sa mga binabalak. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre o mabulgar. Ang anumang alitang magaganap sa pagitan ng minamahal ay malamang matuloy sa hiwalayan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 11, 36 at green.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with