Disyembre 25, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2017 - 4:00pm

Pagtitibay: Merry Christmas! Puspusin nawa ng pag-ibig ang puso ng lahat, gaya nang ibinuhos ng Dakilang Diyos nang ipadala ang kanyang nag-iisang anak para ipanganak ng isang birhen at maging tagapagligtas ng mundo.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang masakit na biruan na maaaring makasugat ng damdamin nang hindi sinasadya. May pagkakataon na makagawa ng isang gawaing kapakipakinabang sa pamilya at sa sarili. Isang lihim ang hindi sinasadyang matuklasan. May palatandaan na lumalandas patungo sa katuparan ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Paglabanan ang kapusukan upang hindi mapahamak. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakikita sa materyal na bagay o sa salita kundi sa gawa na ikinaliligaya. Malamang may magandang impormasyong matatanggap na matagal nang ibig malaman. Malaking tulong ang pagdarasal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 40 at violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang balak sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay masaganang maisusulong ngayon. Inaayunan ng magandang pagkakataon ang pagsisimula ng masaganang hinaharap. Ang agwat ng edad ang magiging dahilan ng problema sa romansa. Mag-ingat at baka may mawawalang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 26 at tangerine.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May isang tao na sasalungat sa iyo. Ang mabilis na pagkilos at kamalayan ang magliligtas sa sarili. Malulutas ang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Ang kasipagan sa paggawa ang puhunan sa pag-unlad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 18, 32 at citrine yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maganda ang matatanggap na balita. Matatapos nang maayos at walang balakid ang sinimulang mga gawain. Kung may kakatagpuin, dapat ipagpaliban dahil tiyak na hindi magkikita. Iwasan ang makipag-date dahil malamang hindi sisiputin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mag-ingat sa pagkain lalo na ang mahirap tunawin. Alagaan ang kalusugan upang maiwasan na magkaproblema. Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaaring makatulong sa suliranin. Iwasan ang magalit na siyang magiging dahilan nang pagtaas ng presyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 15, 24 at honey yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang panahon ay ginto kaya dapat kumilos kaagad kung ano ang magandang iniisip. Magiging abala sa gawaing pantahanan o sa trabaho ngayon. May ilang mga bagay na dapat isaayos  para sa nangangailangan ng pera. Naaayon ang panahon sa paglalakbay sa malapit o malayo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 32, 41 at garnet red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang kaguluhan sa paligid ay maaaring maging madilim na ulap sa nais gawin. Ang marunong magpahalaga sa trabaho ay may magandang ibubunga. Igalang at irespeto ang opinyon at paniniwala ng iba. Ang lahat nang pagsisikap ay masaya kung buong puso sa pagganap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 22, 29 at lemon green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Karagdagang pag-aaral ang gawin upang lalong mapa-angat ang kalagayan ng propesyon. Isang bagong pag-ibig ang sisibol. Suriing mabuti ang landas na tinatahak upang hindi maligaw. Sa romansa, magiging normal ang pagniniig. Sa negosyo, magiging matumal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 28 at cherry red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mag-ingat sa mga taong mandaraya o mandurugas dahil magi­ging lapitin ka ng mga ganitong tao ngayon. Maging matatag. Ang hindi inaasahang pangyayari ang makapagbibigay sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 23, 33 at crimson.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magkakaroon ng pagkakataon upang maiangat ang hirap na kalagayan sa negos­yo. Tiyaga at kasipagan ang magiging susi ng tagumpay. Iwasan ang magpadalus-dalos sa pagpapasiya. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at pearl pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Pakinggan nang mabuti ang kutob ng kalooban upang hind magkamali sa mga gagawin. Ang matagal nang hinahangad gawin ay matutupad ngayon nang walang hadlang. Mag-ingat sa snatchers o mandurugas. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at nil green.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with