Disyembre 16, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2017 - 4:00pm

Pagtitibay: Pinakamabuti ang laan ng Maykapal para sa akin.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Malamang may hindi inaasahang panauhin. Walang sagabal sa lakarin o gawain. Matiwasay na matapos ang sinimulan. Kung magsimula ng negosyo magiging maunlad. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ma­ging mapamaraan sa pakikibagay sa kapwa. Tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o gawa. Mapapalawak ang sirkulo nang pakikipagkaibigan. Sa mga gawain, isaalang-alang ang kapakanan at kaligtasan ng lahat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 36 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung hirap noon, sagana ngayon. Kung panay hinanakit sa nakalipas, kaligayahan ang mararanasan ngayon. Nasa itaas ka sa gulong ng buhay, kaya dapat paghandaan ang panahon na mapunta sa ilalim. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Walang sagabal kung makikipagsundo sa nakasamaan ng loob. Naaayon ang maglakbay sa malayo o malapit. Ang mangyayari ay magsisilbing leksiyon. Malamang may matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag baguhin ang dating mga balak. Taliwas o kabaligtaran sa inaakala ang mangyayari. Isang kapwa Aries ang magbibigay ng hinanakit. Isang Libra ang magbibigay ng kaligayahan o kasiyahan. Maayos at mabuting mapapamahalaan ang dapat gawin, magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mapalad sa la­rangan ng pag-ibig. Angkin ang talas ng ESP na makakatulong sa kaibigan na may suliranin. Huwag maniwala sa mga impormasyong matatanggap, suriin o siyasatin muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Matalas ang isip. Naaayon ang paglagda ng mahalagang papeles o kontrata. Naaayon ang magpa-interview o kumuha ng pagsusulit o examination. Kabigha-bighani ka at magandang makausap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at blue. 

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Masaya at maaliwalas ang mga Cancer. Mapapawi ang mga suliranin na pangtahanan. Masigla at makulay ang daigdig ng pag-ibig. Posibleng makatanggap ng magandang balita tungkol sa trabaho o negosyo. Makakatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 34, 39 at peach.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Babatakin ka ng galamay ng tukso. Pag-isipan muna kung makakabuti o makakasama ang gawain bago pumalaot. Kung hindi mag-iingat, mapapasubo o mapapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40, 42 at indigo.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  May sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. May matutuklasan na ikakagalit. Magkakaroon ng hindi magandang relasyon sa bagong kakilala o kaibigan. Suliranin sa trabaho o tahanan ang magbibigay tamlay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sundin ang dikta ng isip at huwag ang puso. Iwasan na maging mapusok sa pag-ibig dahil ipapahamak ka. Huwag padala sa matamis na salita, mapalad at masuwerte sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isang Leo ang makapagpapainit ng ulo. Ang pagtitimpi ay dapat pairalin. Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Huwag mag-istambay sa labas ng tahanan sa gabi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at white.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with