Disyembre 14, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2017 - 4:00pm

Affirmation: Ang kagaanan sa bigat nang dinadala ay biyaya nang naghihimalang Manlilikha ng mundo.

SAGITTARIUS (Nobyembre23-Disyembre21) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Kailangan ayusin ang mga gastusin. Magiging abala sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

CAPRICORN (Disyembre22-Enero19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano man ang hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero 18) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkakaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19-Marso20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang balita ay lumalandas ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

ARIES (Marso21-Abril19) – Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Kailangan mag-ingat sa paggastos upang may maitabi para sa kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

TAURUS (Abril20-Mayo20) – Magiging masaya ang pa­kikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aalaga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo21-Hunyo21) – Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Handa ka ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CANCER (Hunyo22-Hul­yo22) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

LEO (Hulyo23-Agosto22) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masu­werteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

VIRGO (Agosto23-Set­yembre23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA (Setyembre24-Oktubre23) – Pag-ingatan ang mga gamit sa pagla­lakbay, may magaganap na hindi magugustuhan. Lucky numbers at color for the day ay 22, 37, 33, 44 at pink.

SCORPIO (Oktubre24-Nobyembre22) – Hindi magiging abala subalit maraming mahahalagang gawain na matatapos. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with