Disyembre 12, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2017 - 4:00pm

Affirmation:  Ang kapangyarihan ng aking Manlilikha ang matibay kong kanlungan. Walang magagawa ang sinuman, kundi ayon sa Kanyang kalooban.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang magsikap sa pag-aral ng leksiyon. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay. Ugaliin na hindi mahuli sa oras ng klase. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavender.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng was­tong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasang mabasa ng ambon o ulan at matuyuan ng pawis.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Walang maaasa­hang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang maganda, matutuwa ka sa hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang mangyayari kung magiging alerto at hindi magdedesisyon nang walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang transaksyon o meeting. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 36, 37 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa mga naga-apply ng trabaho lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga pakay sa hapon ay huwag ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksiyon ang dapat at hindi pa­nay salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biro upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lumalandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari, huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May lunas ang matagal nang gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ang siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Magdoble ingat. Malamang may kaibigang maghuhudas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 36 at avocado green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Sa gawa at wala sa salita makita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan. Dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may iuuwing pasalubong si mister o si misis, magiging matatag at maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, simulan ang pagkilos para umunlad kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magi­ging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa taha­nan, subukan ang iyong pasensiya sa dapit-hapon o gabi. Pa­iralin ang pagkamahinahon nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga ng tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang o guro. Kung nag-aaral, ang nagsikap ay may gantimpala na mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with