Disyembre 11, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

Pagtitibay:  Walang makakapigil sa kalooban ng Maykapal para sa buhay ko. Mapagtatagumpayan ko ang lahat dahil sa lakas na kaloob Niya sa akin.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21)Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito para manumbalik ang enerhiya ng sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at fuschia.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Nasa kundisyon at kasiglahan ka at handang harapin kahit ano. Magi­ging masayahin na halos lahat nang kakilala ay magugulat sa asal na makikita, isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang tunay na ka­ibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon upang iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawing pagbabago ngunit mahihirapan magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil walang ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10 12, 14, 31 at light green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at lavender.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang masasagap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak subalit dapat tanggihan dahil matatagalan bago ito mababayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabu­ting pag-aralan muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at gray.

LEO (Hulyo 23 - Agosto23) – Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-isip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang kabuhayan at pag-ibig. Maaliwalas ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO (Agosto23 - Setyembre23) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo. Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso. Hinahon at dahan-dahan sa pagkilos ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May mag-aalok ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan muna nang mabuti at timbangin ang kabutihang maibibigay kaysa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan upang magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kahit anong paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan nang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na paglalakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with