Disyembre 10, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2017 - 4:00pm

Affirmation:  Dahil tapat Niya akong pinalalakas, wala akong hindi magagawa. Sa Kanyang grasya ay mapagtatagumpayan ko ang anumang hinahangad.

SAGITTARIUS (Nobyembre23-Disyembre 21) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-akalain. Isang dating insidente o magkahalintulad na pangyayari ang mauulit nang hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya ang pag-iingat ay dapat gawin. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 22, 34 at red.

CAPRICORN (Disyembre22-Enero19) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipagpalagay na isang aral na hindi na muling mauulit ang nangyari. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating nang kusa ang solusyon sa tamang oras o panahon. Iwasan ang maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 20, 29, 34, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero20-Pebrero18) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Magkakaroon ng memorable moment. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 28, 39 at gray.

PISCES (Pebrero19-Marso20) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Kung ano ang kutob, hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar o mangungulit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

ARIES (Marso21-Abril19) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasang gawin dahil walang mapapala. Kung ano ang kutob, magkakamali ka. Kung papatulan ang mang-aasar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 39, 42 at red.

TAURUS (Abril20-Mayo20) – May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag nang magkumento upang hindi magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 29, 38 at avocado green.

GEMINI (Mayo21-Hunyo21) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin ngayon. Magiging Masaya ang pakikihalu-bilo sa kasamahan, kaibigan at kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit. Kung kaya rin lang, gawin ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 23, 41 at maroon.

CANCER (Hunyo22-Hulyo22) – Upang hindi magkabuhul-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak na hindi matutupad. Iwasan ang makipag-schedule dahil may hadlang at hindi makakarating o makakadalo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 29, 33 at brown.

LEO (Hulyo23-Agosto22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan, dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita, dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 31, 40 at yellow.

VIRGO (Agosto23-Setyembre23) –Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi, mapapasubo sa hindi magandang situwasyon. Labis na kaligayahang madarama kung may matatapos na gawain. Hindi sagot ang paglalasing o magmukmok kapag may problema. Lucky numbers at color for the day ay 18, 25, 39, 43 at blue.

LIBRA (Setyembre24-Oktubre23) – Malilito ka sa mga alok.Lalong mabuti kung makapag-iisa muna upang makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa higit na nakakaalam sa problema. Malaking pagkakataon na makahanap ng paraan upangmadagdagan ang kita. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 26, 37 at jade green.

SCORPIO (Oktubre24-Nobyembre22) – Unahin ang sariling kapakanan, bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak na walang magandang kahihinatnan. Gawin ang plano at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 36, 38 at red.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with