Pebrero 18, 2017
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2017 - 12:25am

Pagtitibay: Mabuti ang piliing itanim sa bawat sandali, para ito rin ang anihin.

 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kailangan ang mamili at magpasya kung sino nga ba ang gusto. Maaa­ring ang dalawang interesado ay magtatanong kung sino ang iyong pipiliin. May magyayayang magpakasal. Tiyakin na ang pagpapasiyang gagawin ay mula sa puso at matinong pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at Almond Yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging padalus-dalos ka ngayon. Huwag kaagad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang gusto. Kung may pag-aalinlangan, makakabuting kumunsulta sa higit na nakakaalam. Malaking tulong ang payo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at Violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Madarama ngayon ang tamis ng tagumpay. Unti-unting makikilala ka ng sosyal na mga tao. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Magiging malambing at maalalahanin ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at Tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May mapapasukang mahalagang kasunduan. Magaganyak kang makipagsapalaran subalit lubos na pag-iingat ay kailangan. Mahina ang iyong ESP ngayon kaya huwag asahan ang kutob sa pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 42 at Sky Blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Iwasan ang pagyayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Mataas ang iyong imahinasyon, sukdulan na maraming masasabi at lalabas na kayabangan. Kung may naiisip gawin, kumilos nang tahimik at may makikitang magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 42 at Pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung gustong makausap ang taong nahihiyang lumapit, dapat unahan ng pagbati o kausapin. Ang maging mapagbigay at maunawain ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Iwasan ang maging masungit dahil lalayo ang grasya at mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at Brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Para makasiguro sa nais malaman, kausapin siya nang masinsinan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at Peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hindi maganda ang balitang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili at malalampasan nang matiwasay ang gusot. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at Maroon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung nagseselos, insecure ka lang. Ang mabisang gawin ay ipakita ang taos pusong pagmamahal sa gawa at hindi panay salita. Ang maging maalalahanin ay number one para mapamahal ka. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at Red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang kakaibang nararamdaman sa katawan ay dahil sa pagbabago ng panahon. Ipinapayong bigyan ng pansin ang kalusugan para hindi lumala at tuluyang magkasakit. Kung maliksi ang pakiramdam, ang paglalakbay ay inaayunan ng panahon. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng signos. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at Orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iiral ang pagkamayabang na dapat iwasan dahil kaiinisan ka ng nakikinig. Ang pagpapakumbaba at ang maging maginoo ay hahatak ng respeto sa pagkatao. Ang kayabangan ay aani ng pagkutya ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at Green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magbibigay ka ng sakit ng ulo sa kapwa na dapat iwasan. Kung walang self control, may mga taong maiinis o magagalit. Ang dapat gawin ay huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita at sa pag-gawa. Pairalin ang pagkamahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at Gray.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with