Enero 30, 2017
THE EAR - Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2017 - 12:00am

Pagtitibay: Walang imposible sa nagsisikap at tapat sa ­kanyang gawain. Kaya inaangkin ko ang kaunlaran sa buhay.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kahit mabagal o maliit ang simula kung daragdagan ang sipag at tiyaga, malulutas ang suliraning pinansiyal. Ilagay sa mahigpit na level ang pagba-budget. Magiging mainitin ang ulo at mada­ling magalit kung may mangungulit o magbibiro. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 29, 36 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Makakakita ng magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. May pagkakataon na makahanap ng paraan para magkaroon ng seguridad sa sarili. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Kung may kahirapan noon, ngayon ang simula ng ginhawa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 18, 23, 33 at ruby red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Tawag nang panahon upang maiwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa gawa. Ang tunay na kaibigan ay sa kagipitan makikilala. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May mag-aalok ng trabaho subalit dapat pag-isipan nang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa kasalukuyang pinapasukan. Lucky numbers at color for the day 16, 20, 31, 42 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Ang suliraning taglay ay may kalutasan. Simulan agad ang anumang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Handang harapin ang anumang gawaing ngayong araw. Dahil sa taglay na kasiglahan. Masayahin at halos lahat nang kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Madaling lapitan ng kahit sino. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago ka niya mabayaran. Huwag malito sa anumang payong maririnig at pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at old rose.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang anumang sosyalan. Pag-aralan ang anumang kasulatan bago pirmahan. Kung may balak na maglakbay, dapat itong ipagpaliban sa ibang araw. Ang balak na negosyo ngayon ay dapat simulan upang maging maunlad.  Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon kaya iwasan ang magkunwari. Pairalin ang pagkamahinahon dahil madali kang magalit sa biro, kantiyaw o makulit. Dahil sa tindi ng pangangailangan sa pera, higpitan ang bigkis ng tali sa iyong budget. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 17 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Trabaho at hanap-buhay ang siyang magiging pangunahin suliranin sa simula ng araw. Magiging mapuna sa mga bagay na makapagpapaunlad at makakalikom ng enerhiya sa pagsisimula ng bagong hakbang sa hanap-buhay. Lalago sa pakikipagrelasyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hahanap ng paraan na maging abala kahit walang gaanong gawain. Paglilinis at pag-aayos ng tahanan, opisina o pinapasukan ay siyang sagot sa hinahanap na kaabalahan. Ang pangakong hindi natupad sa nakaraan ay maisasakatuparan kung pag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 18, 42 at yellow.

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with