^

Kutob

Disyembre 24, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa grasya ng Diyos, bubuhos ang pagpapala sa bawat sandali ng araw ko. Sapat ito para mapaligaya ang mga inaanak ko.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang makipag-isa sa tahanan maging sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag ipagwalang-bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin nang buong tatag at pananagutan ang anumang desisyong ginawa, maging tama o mali. Magdahan-dahan sa anumang ginagawa o gagawin upang maiwasan na magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kahit anong bagay kung labis ay magreresulta ng hindi maganda. Ang iyong labis na pagmamahal ay magiging daan sa pag-abuso ng iyong pagkatao. Pag-aralan kung paano maipapakita ang pagmamahal na hindi naaapakan ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 13, 31 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Saan ka man naroroon, ano man ang iyong gagawin, alalahanin lagi ang sariling kaligtasan. Mag-ingat sa pagmamaneho ng sasakyan. Mag-ingat sa mga matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging ma­swerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Kung ano ang swerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kakapusan ang suliranin, subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Gaano man kasakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin, tiisin dahil kapos ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang tsismis. Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makakapagpainit ng ulo. Ang paglilinis sa kapaligiran ng tahanan o pinapasukan ay magbibigay kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol upang hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May gan­timpala na naghihintay sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Magiging maswerte kung maisasakatuparan ang matagal nang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral ay kailangan. Ang panahon nang pagre-relax ay bagay para makapag-isip ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may mag-aanyaya. May pagkakataon na makatagpo ang soulmate o twinflame. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

PACIFIC OCEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with