^

Kutob

Oktubre 9, 2013

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat ay may pagkakataong magbago at sumunod sa Kanyang mga utos. Ang pagbale­wala dito ay hindi pag-dedma sa tao, kundi sa Dios na lumikha sa iyo.  

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – May hihili­ngin ang minamahal na hindi dapat ipagkait dahil sisimulan ito ng sama ng kalooban. Iwasan ang tsismis dahil maaaring pagmulan ng gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 20, 29 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maging mahinahon sa anumang bagay upang maiwasan ang tensiyon. Madadagdagan ang kikitain kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 25 at flame red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang maging positibo sa lahat ng bagay ay magbibigay ng kaunlaran sa buhay. Kung may balak na magnegosyo, ngayon ang maunlad na araw para simulan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 26, 28 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ngayon ang pagkakataon upang pag-ukulan ng panahon ang mga pansariling binabalak. Kalimutan ang anumang hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 39 at champagne yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – May katuparan ang pangarap kung itutuloy ang binabalak. Ngayon magagamit ang mga natutunan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 29 at maroon.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Laging tandaan na daig ng maagap ang masipag kaya huwag magpahuli. Ma­ging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 14 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Anumang problema sa nakaraan ay may kalutasan ngayon kung pagsisikapan, mahahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 32 at magenta.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung ano ang nararamdaman, dapat huwag ipag­walang-bahala at ipasuri ka­agad sa dalubhasa. Ang kalusugan ay kailangan ng ibayong pansin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 39, 41 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magiging pikon ka ngayon kaya pairalin ang pagkamahinahon. Huwag pansi­nin ang mga biro at kantiyaw. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 24 at hot pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag pata­ngay sa emosyon dahil ma­giging emosyonal ka ngayon. Huwag ibigay kaagad ang pagtiwala at manapay pag-aralan muna ang mga bagay-bagay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 23 at white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Paglabanan o iwaglit ang ugaling mapagpuna sa ibang tao. Iwasan ang mag-alinlangan sa sarili at panatilihin ang positibong pag-iisip. Huwag magpautang at tiyak na mahihirapan sa pagbabayad ang umutang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) – Makakatagpo ng bagong kakilala sa hindi inaasahang pagkakataon. Maa­aring mabigyan ng solusyon ang matagal nang suliranin. Ang inaasahang salapi na matagal nang hinihintay ay maaaring darating. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with