^

PSN Showbiz

Jinkee inaawitan din ng balato

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jinkee inaawitan din ng balato
Jinkee

Bakit ba fake news pala ang naisulat at napabalitang pagbibigay ng balato ni Sen. Manny Pacquiao mula sa panalo niya sa naging laban niya kay Lucas Matthysse. Ang dami pa namang umasang makatatanggap ng bahay at lupa na sinasabing ipamimigay niya. Fake news din siguro yung mga sasakyang sinasabing balato naman ni Jinkee Pacquiao. Kung si Manny ay mayro’n nang denial, wala pa sa asawa niya kaya, marami pa ang umaasa. Kilala kasing galante ang boksingero/pulitiko kaya marami ang naniwala pero, kung meron mang balato hindi naman siguro ganun karami at kalaki. Tsk. Tsk. Tsk.

Mga anak ni Lotlot tanggap na ang stepdad

Susubok sa kanyang second try at marriage si Lotlot de Leon. Pormal na niyang tinanggap ang marriage proposal ng kanyang boyfriend of more than five years na si Fadi El Soury, isang Lebanese, na naganap sa Tagaytay. Nine years nang annulled ang aktres kay Monching Gutierrez. Mayro’n silang apat na anak, sina Janine, Diego, Maxine at Jessica. Tanggap ng apat ang magi­ging stepdad nila.

Amalia malaki ang iginaling

When everyone thought na bawal dalawin si Amalia Fuentes na nagpapagaling mula sa isang atake sa kanyang bahay, heto ang pamangkin niyang si Niño Muhlach at pumunta ng kanyang ba­hay kasama ang mga anak na sina Sandro at Alonzo para siya kumustahin.

Touching ‘yung video sa FB na kung saan ay kinakantahan ang dating pinakamagandang artistang babae sa bansa ng kanyang mga apo ng A Million Dreams. Nakisabay pa ito sa pagkanta ng mga bata ng The Lord’s Prayer. Maganda pa rin ang aktres at kita sa video na malaki na ang iginaling niya.

Donnalyn pinatutunayan na rin ang pagiging aktres

Matapos siyang magpakitang gilas sa horror picture na Cry No Fear kasama si Ella Cruz, maganda agad ang exposure ni Donnalyn Bartolome sa pelikulang Jaqueline Comes Home na nagtatangkang patatatagin pa ang kanyang posisyon bilang artista na may sinasabi sa pag-arte.

Isa pang talento ito ng nauna nang nakilala bilang singer. Tulad sa Cry No Fear, topbilled din siya sa isa pang mapaghamong suspense thriller movie, Jaqueline Comes Home, tungkol sa real life rape and murder case ng Chiong sisters nung l997. Si Meg Imperial naman ang kasama niya.

vuukle comment

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with