Nagsisisi sa sex change
Dear Dr. Love,
Ako po ay gay simula pa nang magkaisip ako. Lalaki akong isinilang ngunit ang mga laruan ko ay puro pambabae.
Hindi naman ako sinasaway ng mga pa-rents ko at madalas pa akong bihisan ng damit na pambabae.
Lalong tumindi ang kabaklaan ko nang ako’y maging teenager. Dun na ako nagsimulang magka-boyfriend hanggang nakatapos ng pag-aaral at magkatrabaho.
Nag-abroad ako at ipinasya kong magpa-opera para maging ganap na babae. ‘Yung boyfriend kong mayamang hapones ang gumastos.
Pero kahit pusong babae ako, bakit ramdam kong nagsisisi ako sa pagpapatanggal ng aking ari?
Madalas akong ma-stress sa kakaisip at para akong mababaliw.
Please help me with some advice?
Rica
Dear Rica,
Sa pagkakaalam ko, ang mga sumasailalim sa sex transformation ay binibigyan muna ng counseling upang tiyaking hindi nila pagsisisihan ang kanilang pagpapalit ng kasarian.
Ngayon na-alter na nang ganap ang katawan mo upang magmistulang babae, magsisi ka man ay hindi ka na maibabalik sa dati.
May kilala ako na tulad mo ay nag-undergo ng sex transformation pero naging born again Christian.
Tinanggap na lang niya ang pisikal na pagbabago dahil hindi na ito puwedeng ibalik sa dati.
Dr. Love
- Latest