Hinango sa putikan
Dear Dr. Love,
Ako po si Estong, volunteer worker sa isang NGO na lumilingap sa mga babaeng biktima ng karahasan. Dahil nakatapos ako ng BS psychology nagbibigay ako ng counseling sa mga naging biktima.
Sa gawain kong ito, nakilala ko si Inday, isang domestic helper na rape victim ng kanyang among foreigner sa Singapore. Nagkagusto ako sa kanya at matagal ko siyang niligawan hanggang magkarelasyon kami na nauwi sa kasalan.
Pero kahit two years na kaming mag-asawa, madalas pa rin siyang umiiyak sa kanyang sinapit. Sabi niya, na-realize niya na hindi siya karapatdapat sa akin dahil galing siya sa putik. Baka raw nagsisisi ako ay puwede ko siyang hiwalayan. Nauunawaan ko siya dahil psychologist ako pero aaminin kong medyo hirap akong pawiin ang kanyang trauma dulot ng kanyang masaklap na karanasan.
Humihingi ako ng prayers sa iyo at sa mga mambabasa mo na sana’y mahango ko ang asawa ko sa kakaibang putik na kinasasadlakan niya ngayon - ang putik ng depresyon. Salamat po.
Estong
Dear Estong,
Professional counselor ka kaya naniniwala akong kayang kaya mong mapanumbalik ang self confidence ng iyong asawa. Nahihirapan ka lang dahil siya ay asawa mo at ang paghihirap niya ay nararamdaman mo rin.
Just keep on reassuring your wife that you love her despite everything and she must move on alang-alang sa inyong pamilya.
Yes, kasama ako sa panalangin na manumbalik ang tiwala sa sarili ng iyong kabiyak.
Dr. Love
- Latest