I Understand muna bago I Do
Dear Dr. Love,
Sumusulat ako sa inyo tungkol sa aking relasyon kay Chloe. Sinabi ko sa kanya na gusto kong magpakasal na kami. Naramdaman ko na handa na kong tumanggap ng responsibilidad at dama ko rin na handa na niya akong tanggapin bilang asawa.
Pero nagkamali ako dahil hindi sang-ayon si Chloe. Sinabi niya, ayaw niya dahil sa kapatid niya. May dalawang kapatid siya na babae, at ang bunso ay nag-aaral pa sa senior high. Sinabi ni Chloe na hindi niya kayang sumira sa plano ng kanyang pamilya dahil sa aming pagpapakasal. Hindi ko kayang tanggihan ang pakiramdam na totoo. Alam ko na mahalaga ang pag-aaral, at gusto ko rin sana na makapagtapos muna ang kanyang kapatid, pero paano naman ang pagpa-pakasal namin? Sa kabila nito, lalong lumalala ang pakiramdam ko dahil sa hindi niya pagtanggap sa aking mungkahi. Nais kong iparamdam sa kanya handa ko siyang suportahan sa desisyon niya pero tumututol ang isip ko?
Leo
Dear Leo,
Unawain mo muna si Chloe at ang panga-ngailangan ng kanyang pamilya. Ang pagtanggi niya ay hindi direktang sa iyo, kundi sa panahon at posisyon.
Huwag ipilit ang kasal ngayon na laban sa kanyang kagustuhan at obligasyon. Ipakita muna ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng kapatid niya – ipakita mo na ang iyong pag-ibig ay hindi mawawala sa pagtulong kay Chloe sa ginagawa niya.
Simple lang, respeto sa kanilang takdang oras, pagtitiis ng panahon, at patuloy na pagpapakita ng pag-ibig at suporta sa kanilang mga pangangailangan. Ito ang higit na mahalaga ngayon kaysa sa isang agad na kasal na maaaring masira. “Ang ‘I do’ na nais mong sabihin, maaa-ring mas maganda muna itong ‘I understand’.”
DR. LOVE
- Latest