Minor de edad pala
Dear Dr. Love,
Bumabati ako sa iyo ng isang mapagpalang araw. Tawagin mo na lang akong Edmund, 25 years old at isang college student.
Sa isang party ay may nakilala akong magandang babae. Nagkagusto agad ako sa kanya dahil para siyang beauty queen. 5’7 ang height at maganda. Bagay na bagay kami dahil six footer ako at varsity player.
Niligawan ko siya at hindi nagtagal ay naging “kami.” Pero winarningan ako ng friend ko na close sa family niya. Sabi ng friend ko, 14-anyos lang ang girlfriend ko. Kinabahan ako dahil kapag nagkataon at nagkaroon kami ng intimacy, baka mademanda ako ng statutory rape.
Nang makausap ko ang gf ko, inamin niya na minor de edad pa siya na malaki ang bulas. Dapat ba akong makipagkalas sa kanya. Ako raw ang unang bf niya.
Edmund
Dear Edmund,
Mabuti pa ay putulin muna ang relasyon at magkasundong magbalikan kapag siya ay 18 years old na. Minor de edad pa siya at may panganib na baka kayo’y matukso na maaari mong ikapahamak. Puwede namang i-maintain ang friendship pero iwasan ang makipag-date.
Dr. Love
- Latest