^

Dr. Love

Problema ang ate ng gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay nagmamahal ng tapat sa aking girlfriend. Hindi po kami perpekto, pero maayos ang relasyon namin  o sana’y ganoon, kung hindi lang dahil sa kapatid niyang babae.

Simula’t sapul pa lang, ramdam ko na ang pagiging pakialamera niya. Lahat na lang ng kilos ko, may komento siya. Kapag lumalabas kami, may paalala pa siya sa girlfriend ko na parang bata ito. Minsan pati sa simpleng regalo na binigay ko, tinanong pa niya kung “iyan lang daw?”

Nag-e-effort akong intindihin siya. Pero habang tumatagal, parang hindi ako makagalaw nang malaya. Sa totoo lang po, parang siya pa ang girlfriend ko kung umasta — siya ang nagdedesisyon, siya ang nagpapasya kung sino at ano ang tama para sa kapatid niya.

Mahal ko po ang girlfriend ko. Ayokong uma-bot sa puntong ako ang sumuko. Pero pagod na rin ako sa pakikitungo sa kapatid niyang masyadong nakikialam sa relasyon namin. Ano po ang dapat kong gawin? Paano ko malilinaw sa girlfriend ko na may hangganan din dapat ang pagiging protective ng kapatid niya?

Demz

Dear Demz,

Hindi mo kontrolado ang kapatid niya, pero pwede mong kausapin nang maayos ang girlfriend mo.

Sabihin mong naaapektuhan ka na sa ginagawa ng ate niya sa relasyon ninyo.  Gamitin mo ang mahinahon at tapat na tono. Halimbawa, “Mahal, gusto ko lang sana ng espasyo na tayo lang muna ang nagdedesisyon sa relasyon natin.” Mas magiging epektibo ‘yan kaysa sa tapatan ng init ng ulo. Kung mahal ka talaga ng girlfriend mo, matututo siyang manindigan para sa inyo. Pero kung hindi, baka kailangang pag-isipan kung karapat-dapat siyang ipaglaban.

DR. LOVE

DR LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with