Naguguluhang Puso
Dear Dr. Love,
Magandang araw po. Tawagin n’yo na lang akong NP as in Naguguluhang Puso.
May karelasyon po ako na mahal na mahal ko, pero pakiramdam ko po ay ako na lang ang lumalaban. Minsan malamig siya, parang wala nang gana. Madalas ako ang nag-aabot ng lambing, pero bihira ko ‘yong matanggap pabalik.
Hindi ko alam kung ako ba ang may kulang o sadyang nawawala na ang dating init ng aming pagmamahalan.
Ayokong sumuko, pero pagod na rin akong maghintay ng pagbabago na parang hindi na darating.
Ano po ang dapat kong gawin?
NP
Dear NP,
Ang pag-ibig ay parang apoy—kaila-ngan ng parehong kamay upang ma-panatiling naglalagablab. Kapag isa na lang ang nagsisindi habang ang isa’y nanonood lang, unti-unti itong mamamatay.
Hindi sukatan ng pagmamahal ang pagkapagod.
Kung paulit-ulit mong inuuna ang taong laging huli sa’yo, baka oras na para tanungin mo, nasaan ka sa relasyong ito? Hindi kasalanan ang umasa, pero hindi rin tama na palaging ikaw ang sumusuyo sa katahimikan ng taong ayaw nang sumagot.
Minsan, ang pinakamalalim na pagmamahal ay ‘yung kaya mong pakawalan ang taong hindi na kayang hawakan ang puso mo na pagod na rin.
Alalahanin mo ang puso mo, gaya ng iba ay dapat ding mahalin — hindi lang kapag may oras sila, kundi kahit sa mga oras na kailangan mong piliin ang sarili mo.
DR. LOVE
- Latest