Gustong pakasalan ni tiyong
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Winnie, 40 anyos at walang asawa. Dahil walang anak ang tiya ko na kapatid ng mama ko, siya ang kumupkop sa akin at ang kanyang asawa nang ako’y college na.
Mahal na mahal nila ako lalo na si tiyong. Dahil may kaya sila, pinapag-aral nila ako.
Ulilang lubos na ako noon at nalungkot lalo ako nang mamatay si tiyang.
Kahit wala na si tiyang, hindi ko iniwanan si tiyong na noo’y 60 anyos na.
Nakalimutan ko na tuloy makipag-boyfriend. Tumandang dalaga na tuloy ako.
Sa edad na 70, may ipinagtapat sa akin si tiyong.
Gusto raw niya akong pakasalan dahil wala siyang mapag-iiwanan ng kanyang kayamanan. Mahal naman daw niya ako.
Hindi ako makapagpasya. Tama bang magpakasal kami?
Mangyari man ito ay ‘di na kami magkakaanak dahil menopause na ako at umamin siya na wala na siyang kakayahan sa sex.
Winnie
Dear Winnie,
Siguro companionship na lang ang hanap ng tiyo mo dahil biyudo na siya. Pero kung ‘yun lang, maaari naman ka-yong huwag nang magpakasal.
Ngunit kahit wala na siyang kakaya-hang makipagtalik, hanap din niya marahil na may kayakap siya sa gabi na nilalam-bing at hinahalikan.
Strictly speaking, wala kayong relasyon sa dugo kaya hindi bawal na magpakasal kayo. You can do it if you want.
But be sure na may feelings ka rin para sa kanya at hindi lang interes sa mamanahin mo.
Sabagay, puwede rin naman niyang ipamana sa iyo ang kanyang yaman kahit ‘di kayo kasal. Pero no problem kung magpakasal kayo.
Kaso, baka may masasabing hindi maganda ang ibang tao, lalo na ang inyong mga kamag-anak.
Pero bakit iintindihin ang opinyon ng iba kung kayo naman ay masaya?
Dr. Love
- Latest