^

Dr. Love

Karibal si papa

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napakasakit ng nangyari sa akin. Nagkaroon ako ng girlfriend na isang commerce student.

Ang pagpapakilala niya sa akin ay working student siya.

Tatlong buwan pa lang ang relasyon namin nang may kaibigan akong nagsabi sa akin na huwag ko siyang seryosohin dahil may sugar daddy ang jowa ko.

Nagalit pa ako sa friend ko dahil akala ko ay naninira lang siya.

Pero minsang dumalaw ako sa maliit na kuwartong inuupahan ng girlfriend ko, may nakita akong larawan sa ibabaw ng lamesa.

Nagulat ako sapagkat ito ay ang papa ko.

Naghinala ako na siya’y karelasyon ni papa pero hindi ako nagpahalata. Tinanong ko siya kung sino ang nasa larawan.

Sabi niya, tatay daw niya. Doon ako nagalit at inusisa ko siya.

Sabi ko, tatay ko iyan. Ibang ngalan at apelyido pala ang ibinigay ng papa ko.

Umiiyak ang jowa ko at nagtapat.

Napilitan raw siyang makipagrelasyon kay papa dahil siya ang tumutustos sa kanyang pag-aaral.

Umuwi akong may galit sa puso. Kung sabagay, biyudo na si papa.

Dapat ko pa ba siyang sumbatan?

Mark Anthony

Dear Mark Anthony,

Kausapin mo na lang siya ng mahinahon at may pang-unawa.

May karapatan din siyang lumigaya at wala na ang ina mo upang ibigay ito sa kanya.

Kung seryoso ang papa mo, ikaw na lang ang magparaya at humanap ng ibang mamahalin.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with