^

Dr. Love

May sinasabi kapag nalalasing

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Itago n’yo na lang po ako sa pangalang “Tagay Warrior.” May gusto lang po akong ibahagi na matagal ko nang itnatago—at natatakot akong baka isang araw, sumabog na lang ito gaya ng bote ng gin na nahulog sa semento.

May kaibigan po ako—malapit na malapit sa akin. Tawagin na lang po natin siyang “Jay.” Sa tuwing nagkakainuman kami, nagiging open book siya. Lahat ng sikreto, lumalabas. Kahit ‘yung mga bagay na dapat ay sa kanya lang. Isang gabi, sinabi niya sa akin na may mahal siyang tao...at hindi babae. Sa gulat ko, ako pala ‘yung tinutukoy niya.

Hindi ko alam kung seryoso siya o epekto lang ng alak. Pero paulit-ulit niyang sinasabi ‘yun tuwing nalalasing siya. Kapag kinabukasan naman, parang walang nangyari. Tuwid na tuwid siya at parang hindi siya ‘yung taong nagkwento ng lahat ng ‘yun.

Ang tanong ko po, Dr. Love—paano ko malalaman kung totoo ‘yung mga sinasabi niya o lasing lang talaga siya? Dapat ko bang kausapin siya tungkol dito habang wala siyang tama? O pabayaan ko na lang at huwag na guluhin ang pagkakaibigan namin?

Maraming salamat po sa oras n’yo. Sana po ay matulungan n’yo ako.

Tagay Warrior

Dear Tagay Warrior,

Ang dapat mong gawin, kaibiganin mo pa rin siya gaya ng dati. Pero kung sa ti-ngin mo ay may dapat linawin, kausapin mo siya ng mahinahon, sa tamang lugar, at sa tamang pagkakataon. Hindi para ipahiya o kwestyunin siya, kundi para bigyan siya ng espasyo kung gusto niyang aminin ito o hindi.

Minsan, ang isang payak na pagtanggap ay sapat na para magbukas ng puso ang isang taong matagal nang takot sa katotohanan.

DR. LOVE

WARRIOR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with