^

Dr. Love

Hindi confident sa itsura

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo! Sana po ay matulungan ninyo ako sa dinadala kong kaba at insecurities.

Ako po si Liza (‘di tunay na pangalan), 22 years old. May nakilala po akong lalaki online. Halos araw-araw kaming nagkaka-chat at masasabi kong mabait siya, palabiro, at mukhang seryoso sa mga sinasabi niya. Nitong huli, nag-yaya po siyang magkita na kami ng personal.

Ang problema po, Dr. Love, hirap na hirap po akong magdesisyon. Hindi po kasi ako ganoon ka-confident sa hitsura ko. Marami po akong pimples at acne marks sa mukha, at natatakot po akong baka iba ang maging reaksyon niya kapag nakita niya ako sa personal. Takot po akong ma-disappoint siya o baka hindi niya ako magustuhan tulad ng pagkakausap namin sa chat.

Gusto ko naman po siyang makita, pero bawat titig ko sa salamin, nadudurog ang loob ko. Iniisip ko, baka mas mabuti pang umiwas na lang ako para hindi na ako masaktan. Pero parte ko rin po na gustong subukan — baka naman hindi niya iniintindi ang itsura ko, baka totoo ngang mahalaga sa kanya ang pagkatao ko.

Liza

Dear Liza,

Hindi nasusukat sa balat ang tunay na kagandahan. Marami sa atin ang may pinagdadaanang insecurities — at normal lang ang kabahan kapag makikipagkita sa isang taong mahalaga sa atin.

Tandaan mo, ang totoong pagmamahal at respeto ay hindi nakabase sa hitsura kundi sa kabuuan ng iyong pagkatao — sa kabutihan ng puso, sa paraan ng pagtrato sa ibang tao, sa totoong ikaw.

Go and meet him kung kaya na ng loob mo — dala ang pagmamahal mo sa sarili. Hindi mo kailangang maging perpekto para sa totoong nagmamahal.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with