^

Dr. Love

Ipinakulam

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Binabagabag ako nang matindi ng aking budhi. Tawagin mo na lang akong Lopita, 31 anyos at single pa. 

Minsan pa lang ako nagka-boyfriend na nagtaksil sa akin kaya mula noon, ayaw ko nang makipagrelasyon. 

Matapos niya akong buntisin ay iniwan na niya ako at ipinagkalat pa sa aming barangay na hindi niya anak ang dinadala ko. Ipina-abort ko ang batang dala ko.

Sa tindi ng galit ko, ipinakulam ko siya. Lumaki ang kanyang leeg na siya niyang ikinamatay. 

Ngunit hanggang ngayon ay nakukonsensya ako, lalo na nung magbasa ako ng bible na nagsasabing kasuklamsuklam ang pangkukulam sa Diyos.

Mapapatawad pa kaya ako ng Diyos?

Lopita

Dear Lopita,

Kung singlaki ng barko ang pagkakasala mo, ang kahabagan ng Diyos ay malawak pa sa karagatan.

Basta’t taimtim ang pagsisisi mo sa panalangin ay mapapatawad ka ng Panginoon. Gawin mo ito agad upang makamtan mo ang kanyang paglilinis at kapatawaran.

Tanggapin mo sa puso mo si Jesus bilang Panginoong Tagapagligtas at gaano ka man karungis ay lilinisin ka niya sa lahat ng pagkakasala. Sa sandaling ito, patawarin mo na rin ang iyong sarili at sikapin na magsimulang muli sa iyong buhay. Hindi pa huli ang lahat para sa’yo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with