^

Dr. Love

‘Nalilito sa Sarili’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Tawagin nyo na lang po ako sa inisyal na NS, na para sa akin ay may kahulugan na “Nalilito sa Sarili.” Dahil ‘ito po talaga ang nararamdaman ko ngayon.

May girlfriend po ako at halos isang taon na ang aming pagsasama. Sa una, puro saya, kilig, at pangarap ang usapan namin.

Sabay naming binalak ang aming kinabukasan—mga plano, pangarap, at ang “happy ever after,” na akala ko ay madali lang abutin basta’t nagmamahalan.

Pero gaya ng ibang relasyon, dumaan din kami sa mga pagsubok. Hanggang isang gabi, sa pagkakataon na parehong mahina ang loob namin, nangyari ang hindi dapat mangyari.

Pagkalipas ng dalawang buwan, nalaman naming buntis siya.

Dr. Love sa halip na panindigan ko ang ginawa ko, pinili kong tumakbo.

Hindi ko siya kinausap. Tinanggal ko siya sa social media, binlock sa tawag, at talagang nawala na lang ako na parang bula.

Takot po ako, Dr. Love, aminado naman ako. Takot ako sa responsibilidad. Takot ako sa sasabihin ng mga magulang ko.

Takot ako sa pag-aalaga ng bata na hindi ko alam kung paano gawin o paano sisimulan na pa-lakihin siya.

Pero higit sa lahat, takot ako sa sarili ko—dahil alam kong mali ang ginawa ko.

Ngayon, gabi-gabi akong hindi makatulog. May isang parte sa akin na nagsisisi nang husto.

Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon, pero nariri-nig ko pa rin ang boses niya sa isip ko—umiiyak, humihingi ng tulong, nagha-hanap ng sagot.

NS

Dear NS,

Gusto kong sabihin na hindi ka masamang tao.

Oo, nagkamali ka—pero ang pagkakamali ay hindi mo pagkatao.

Isa itong pangyayari na ginawa mo sa takot, hindi sa galit o kasamaan.

At sa bawat pagkakamali, laging may pagkakataong itama ito...kung nanaisin mo.

Ang pagiging ama ay hindi lang tungkol sa dugo.

Ito ay tungkol din sa pagkakaroon ng paninindigan, kahit mahirap, kahit masakit o kahit kinatatakutan mo.

Ang babae na binuntis mo ay hindi laruan na basta mo na lang iiwan kapag ayaw mo na. At ang batang isisilang ay walang kasalanan.

Karapatan niyang makilala ang kanyang ama. At karapatan mong bumawi habang may panahon pa.

Ang unang hakbang para rito, buong pagpapakumbaba kang humingi ka ng tawad.

Magsimula ka sa simpleng “patawad”—humingi ka ng tawad sa kanya, at sa sarili mo. Kung kaya mong hanapin siya, gawin mo. Hindi para piliting bumalik kayo sa dati, kundi para ipakita sa kanya na may lalaki pa ring handang panagutan ang ginawa niya—kahit huli na.

Hindi madali ang magbago, lalo na kung takot ang kalaban. Pero tandaan mo, hindi mo kaila-ngang maging perpekto para maging ama. Kailangan mo lang maging totoo, responsable, at may puso. May pag-asa ka pa. Hindi para burahin ang kahapon, kundi para buuin ang bukas.

DR. LOVE

LARUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with