^

Dr. Love

Competition ng mag-utol

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawa lang kaming lalaking magkapatid at ang paborito ng mga magulang ko noong kami’y mga bata pa ay ang aking Kuya Mondie.

Tawagin mo na lang akong Lino, 28 years old, college undergraduate habang ang kuya ko ay nakatapos ng political science. Noong mga bata pa kami, pursigido sa pag-aaral si kuya. Pinagsasabihan ako madalas ng nanay at tatay namin na wala akong mararating dahil hindi ako kasing sipag ni kuya sa pag-aaral.

Pinagsasabihan ako ng masasakit kahit may bisita, kaya nagrerebelde ang kalooban ko. Nag-drop out ako sa college at nagnegosyo ng buy and sell ng mga men’s apparel hanggang nakaipon ako para ang mga ibebenta ko ay mga pre-owned na kotse.

Lumago ang negosyo ko at nakapagpatayo ako ng sariling bahay, habang ang kuya ko ay empleyado lang na madalas pang umaasa sa mga magulang namin na matanda na.

Kinausap ako ng aking parents at sinabing tulungan ko ang aking kapatid. Pero taglay ko pa rin at isinumbat sa kanila ang pagmamaliit nila sa akin noon. Naiyak ang si mama at kapwa sila nag-sorry ng aking papa.

Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung tutulungan si kuya. Ano ang masasabi mo?

Lino

 

Dear Lino,

Pinagpala ka ng Diyos nang higit sa kapatid mo na degree holder. Kung pinag-uutos ng Diyos na mahalin ang kaaway, lalong dapat ang ating kapatid sa dugo. Mga magulang mo ang nagkulang sa iyo at hindi ang kuya mo, at humingi na sila ng tawad.

Patawarin mo sila at tulungan mo ang iyong kapatid.

Nangangailangan siya ng tulong, tulungan mo siya. Turuan mo siyang magnegosyo upang kagaya mo ay umasenso rin siya.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with