^

Dr. Love

Nakalimot

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May malaki akong pagkakasala sa aking asawa nang makipagrelasyon ako ng lihim sa aming kasambahay. Nakalimot ako sa sarili dahil maganda siya at sexy.

Hanggang ngayon, hindi alam ng misis ko na may namamagitan sa amin. At gaya ng isang kapatid ang turin niya sa kasambahay namin. Natukso lang ako at gusto ko nang tapusin ang lahat. Pero nang makikipagkalas ako sa kanya ay umiyak siya at sinabing ipagtatapat niya ang lahat sa misis ko. Natatakot ako sa pwede mangyari. Gusto ko sanang paalisin ang kasambahay pero tiyak na magtataka si misis. Ano maipapayo mo na gawin ko?

Richard

 

Dear Richard,

Magtapat ka na agad sa misis mo, bago pa magsabi ang kasambahay ninyo. Sabihin mong natukso ka lang at humingi ka ng tawad.Marahil naman ay patatawarin ka ng asawa mo dahil lahat ng tao ay may kahinaan. Tama ring paalisin n’yo na ang inyong kasambahay dahil hangga’t naririyan siya ay may panganib na maulit ang inyong relasyon.

Dr. Love

DEAR DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with