^

Dr. Love

May itinatago rin si Gio

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Tawagin n’yo na lang po akong Mica, 24 anyos, isang simpleng dalaga na may pinakatatagong sikreto — may gusto ako sa isang lalaki na matagal ko nang kaibigan.

Tahimik lang po ako sa barkada namin. Hindi ako ‘yung palaban o maingay. Pero kapag nandoon siya, si Gio, hindi ko maiwasang magpanggap na chill lang ako kahit ang totoo, palagi kong hinahanap ang mga tingin niya. Matagal ko na po siyang gusto, pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Birthday ng isa naming kaibigan at nagkaroon ng konting inuman. Ako po ‘yung tipo ng tao na madaling tamaan ng alak, pero sinabayan ko pa rin sila. Ayun, nalasing ako. At sa harap ng lahat, bigla kong naibulalas… na gusto ko si Gio.

Pagkagising ko kinabukasan, parang gusto kong lumubog sa lupa. Hindi ko alam kung haharap pa ako sa barkada — lalo na sa kanya. Pero laking gulat ko nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Gio, “Hindi ko nakakalimutan ang sinabi mo kagabi. Gusto rin kita. Sana, kahit wala nang alak, kaya mo nang sabihin ‘yan ulit.”

Pwede pala ‘yung ganitong kwento sa totoong buhay. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ulit…pero sa puso ko, umaasa akong magtutuloy-tuloy ito.

Mica

Dear Mica,

Minsan, ang mga sikreto ng puso ay kusang lumalabas sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan. Sa kaso mo, habang medyo hilo at lasing ka.

Ang masarap sa kwento mo, hindi lang ikaw ang may itinatago. Si Gio, tahimik rin na may nararamdaman. At dahil sa lakas ng loob mo, nabuksan ang pintuan ng posibilidad.

Cheers sa’yo, Mica. Hindi sa alak, kundi sa tapang ng isang pusong marunong magmahal.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with