Nanliliit sa puna ng biyenan
Dear Dr. Love,
Aminado naman ako sa malaking pagkakaiba sa estadong kabuyahan namin ni misis. Sa totoo lang, ang situwasyon naming ito ang nagiging dahilan kung bakit lu-miliit ang tingin ko sa aking sarili.
Matanda sa akin ng limang taon ang misis ko at sa loob ng sampung taong pagsasama namin, dependent na ako sa kanya.
Maliit lang ang sahod ko bilang pangkaraniwang empleyado sa munisipyo pero siya ay matagumpay na entrepreneur.
Ang malaking bahay na tinitirhan namin, ang dai-ly expenses, kasama na ang pagpapaaral sa aming dalawang anak at madalas pati ang pamasahe ko gayundin ng iba pang material na pangangailangan ay hinihingi ko sa kanya.
Isang hindi sinasadyang pangyayari ang lalong nakapanlumo sa aking pagkalalaki. Narinig ko minsan na nag-uusap ang aking biyenan at asawa.
Ako ang topic nila. Pinupuna ng biyenan ko ang maliit na sweldo ko at bahaging nagagawa sa aming pamilya.
Kulang naman ay tumiklop ako dahil sa pagkapaahiiya sa aking sarili, Dr. Love. Ito ang tunay na naramdan ko nung mga sandalling iyon.
Bagaman sa kabila nang lahat ng narinig ko mula sa akng biyenan ay ni katiting na reklamo ay hindi ko naringgan ang aking misis. Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love.
Rafael
Dear Rafael,
Hindi lang ikaw ang may ganyang ka-lagayan sa loob ng isang tahanan.
Dahil sa maraming pagkakataon ay nanoobserbahan ang mga biyenan na naninita, lalo na kung nakikita nila na nade-dehado sa halos lahat ng bagay ang kanilang anak.
Pero sa halip na ikapanghina ito ng iyong kalooban, kunin mo ang puna ng iyong biyanan para gawing tuntungan ng pagsisikap at mataas na determinasyon na magtagumpay din sa iyong karera.
Hindi ka naman batugan. Nagkataon lang na maliit lang ang sahod mo.
Tandaan mo na hindi lang naman kaugnay sa pinansyal na aspeto ang silbi mo bilang padre de pamilya.
Basta’t mabuti kang ama na gumagabay sa iyong mga anak. Sa mga pagkakataon na nagsisilbi kang kahalili ng iyong misis, halimbawa sa mga school meeting at iba pang aktibidad ng inyong anak na kailangan ng parent.
Nanniniwala akong nagmamahal sa iyong asawa. Kung gusto mo, humanap ka ng ibang diskarte basta’t legal para madagdagan ang iyong kinikita para hindi ka napupuna ng iyong biyenan.
Dr. Love
- Latest