^

Dr. Love

Laging talunan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Renante, 25 anyos at binata pa.

Mula pagkabata, pakiramdam ko sa sarili ko ay lagi akong talunan.

Sa klase, matalino ako at laging mataas ang aking grade pero lagi ako second honor kumpara sa kaklase kong first honor na kasing talino ko lang.

Hanggang kolehiyo, nagtapos ako na hindi ko natamo ang pagka magna cum laude kahit alam kong deserve ko ito.

Isa na akong CPA ngayon, ngunit ako’y nasa top 20 lang sa board exam kahit pinagsikapan ko na maging top five man lang.

Sa opisina, maganda ang trabaho ko pero lagi lang akong pangalawa pagdating sa promotion.

Konsolasyon ko na lang na may mapagmahal akong asawa at masayang pamilya. Pero career wise ay hindi ako masaya. Pagpayuhan mo ako.

Renante

 

Dear Renante,

Napaka-blessed mo and you have all the reason to be happy and thankful to God. May maganda kang trabaho at masayang pamilya, kaya huwag kang mahimotok na animo’y pinabayaan ka!

Just continue being the best of yourself at darating ang araw na maaabot mo ang rurok ng iyong pangarap.

Pag-aralan mo rin na i-appreciate kung ano ang meron ka, at hindi nakatotok sa kung ano ang wala sa iyong mga kamay. Ika nga, think positive. Ang unang tulong na kailangan ay manggagaling sa iyong sarili.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with