^

Dr. Love

Sinisiraan

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May isang manliligaw po ako na dating naging malapit na kaibigan. Sa simula, maganda naman ang kanyang intensyon, pero nang makita niyang hindi pa ako handa na suklian ang kanyang damdamin, nagbago siya.

Ngayon, nalaman ko na sinisiraan niya ako sa ibang lalaki na interesadong manligaw sa akin. Never ko naman siyang pinaasa. Dapat ko po ba siyang kausapin o hayaan na lang? Paano ko mapoprotektahan ang pangalan ko nang hindi bumababa sa antas ng paninira?

Febie

Dear Febie,

Mahirap nga kapag ang isang taong inakala mong mabuting kaibigan ay nagiging sanhi ng negatibong usapan tungkol sa’yo.

Ang payo ko, kausapin mo siya nang mahinahon at direkta. Sabihin mong alam mo ang ginagawa niya at tanungin kung bakit niya ito ginagawa. Minsan, ang ganitong pagharap sa sitwasyon ay nagpapakita ng maturity at maaaring maiwasan ang mas malaking sigalot.

Panatilihin mong mataas ang iyong dangal at magpatuloy sa pagiging isang mabuting tao. Sa huli, ang katotohanan ang laging magwawagi.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with