^

Dr. Love

Pikon noon kay misis

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Hindi ko maubos-maisip na ang misis ko ay ang tao na napipikon ako noon. Pareho kaming artist.

Talagang napapangiti ako sa tuwing sumasagi sa isip ko. Dahil hindi ko rin maipaliwanag kung bakit naiirita ako kapag nagtatanong siya, samantala puro related naman sa art ang mga ‘yun. Pareho kaming mahilig sumali sa mga contest. 

May time nanalo siya. Pabiro niya akong kinantsawan. Ang sabi niya, tinalo niya ang kanyang mentor. Kahit alam ko na nagbibiro siya, nairita pa rin ako. 

Hanggang sa namalayan ko na lang na napapadalas na ang pag-uusap namin at lumalabas na kami. In-short, mas nakilala ko siya at naging intresado ako sa kanya. 

Nang kinailangan niyang umuwi sa kanilang probinsiya, noon ko na-realized na type ko na siya. Kaya pagbalik niya, nagtapat na ako sa feelings ko. 

Akala ko sasagutin na niya ako, pero limang taon muna ang lumipas…pero ang ending ay ikinasal kami. Misis ko na siya ngayon at magtatatlo na ang aming mga anak. 

Maraming salamat po sa pagkakataon na maibahagi ko ang love story namin ni misis.

Ben

Dear Ben, 

Salamat sa pag-share ng maganda ninyong love story. Nangyayari rin pala ang inis factor sa mga lalaki. Pero ang ending ay siya pala ang iyong forever. Humahanga ako sa iyong determinasyon na makuha ang matamis niyang oo kahit tumagal pa ng ilang taon. Hangad ko na manatiling makulay ang inyong pagsasama. 

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with