^

Dr. Love

Lolang kerengkeng 

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napakalaking kahihiyan ang idinulot sa aming pamilya ng aking 77 anyos na ina. Kasi binalikan siya ng first boyfriend niya na 80 anyos, na tumira mismo sa tahanan namin ,na ipinundar mg aking yumaong tatay.

Biyudo na rin ang lalaki na naging kasintahan daw ni inay bago niya nakilala ang aking ama.

Kaya ang tsismis ng mga kapitbahay sa kanya ay isa siyang “lolang kerengkeng.”

Kaming magkapatid ay nahihiya na tuloy lumabas ng bahay.

Tinangka kong sawayin siya pero aniya, naging tapat naman daw siya sa buong buhay niya nang buhay pa si itay at hindi namin dapat pigilin ang ikaliligaya niya.

Nang mabatid ng kinakasama niya ang pagtutol naming magkapatid, ipinasya ng lalaki na bumukod sila.

Syempre, masamang masama ang loob naming magkapatid.

Ano ang gagawin namin?

Ricky

Dear Ricky,

Tumatanda ang tao pero nananatili itong umiibig.

Walang sagabal sa relasyon ng iyong ina sa kanyang boyfriend dahil kapwa sila biyudo at biyuda.

Huwag ninyong ipagkait sa inyong ina ang karapatang muling magmahal. Oo nga’t mahal ninyo siya at inaaruga ngunit ibang uri ang pagmamahal para sa kasintahan.

Igalang ninyo ang kagustuhan niya dahil walang masama o mali rito.

Dr. Love

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with