^

Dr. Love

Napagkakamalang gf ang kababata

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ayoko siyang ligawan dahil halos kapatid na ang pagsasamahan namin. Kababata ko ang girl. Ang akala ng mga taga sa amin ay kami na pero walang ganun. Kahit nga kapag may nakiklala ako, ang akala nila may gf na ako. 

‘Yung respeto niya sa akin baka mawala kapag niligawan ko na siya. Eh, hindi rin naman ako maka-diskarte sa iba dahil nga lagi kaming magkasama.

Denz

Dear Denz,

Kung malinaw naman sa inyong dalawa na magkaibigan lang kayo, baka kailangan mo lang i-set ang expectations ng ibang tao na walang romantic connection sa inyo. Kung gusto mong makahanap ng ibang makaka-date, baka kailangan mo ng ibang activities na hindi kasama ang kababata mo. Para walang guluhan, minsan ay hayaan mo siyang gumawa ng ibang bagay nang hindi ikaw ang kasama.

Baka naman kaya mo lang iniisip na mahirap manligaw ay dahil masyado kang sanay na laging nandyan si kababata mo. Ano sa tingin mo?

DR. LOVE

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with