^

Dr. Love

Manliligaw uli

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Henry. Pwede ko po bang ligawan uli ‘yung nang busted sa akin? IIang beses na po kasi akong na-busted. Pero dahil sa makulit ako kahit may bf na ang girl, gusto ko pa ring ligawan.

Dalawa lang naman ang babae na gustong gusto ko. Isa ‘yung kapitbahay namin at ‘yung isa ay kaibigan ng pinsan ko. ‘Yung kapitbahay namin ang lagi kong kinukulit. May bf na raw siya, pero hindi ko naman nakikitang magkasama sila.

Medyo naiinis na siya sa akin. Hindi naman nagagalit ang kuya niya dahil mabait naman daw ako. Paano po ba, itutuloy ko lang po ba kahit ayaw na sa akin? ‘Yung pinsan ko naman sinabihan akong tigilan ko na ang pag-chat sa kaibigan niya. Nagsabi na raw siya na hindi niya ako type.

Henry

 

Dear Henry,

Alam mo, medyo risky ang ginagawa mo. Ang mga babae pa naman kapag ayaw nila sa isang guy, talagang naiirita sila. Kaya kung kukulitin mo nang kukulitin, baka magkaproblema ka ng malaki. Mabuti pang makipagkaibigan ka na lang muna sa mga babae. Isang paraan ‘yan para makuha mo ang loob nila dahil sa kabaitan mo.

Ngayon, kung mapansin mong natitipuhan ka rin, saka mo ligawan.

Minsan hindi naman agad-agad na magkakagusto sa’yo ang isang babae. Kung nakikita niyang sincere ka at nagkakasundo kayo lagi, ayos ‘yun! Kapag nalaman mo na gusto niya na lagi kang kasama, ituloy mo ang panliligaw.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with