^

Dr. Love

Away mag-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kaming mag-asawa ay dumaan din sa maraming problema. Sa mga bagay na minsan hindi namin madesisyunan o maintindihan kung sino ang dapat pakinggan o ano ang dapat gawin.

Madalas ang away naming ay tungkol sa pera. Hindi lang si misis ang maingay, syempre hindi ako papatalo. Yan ‘yung mga panahon na bago pa lang kaming mag-asawa. Hindi ako naniniwala na kapag matagal na kayo, lalo kayong magkakalabuan. Dahil mas nagkakaintindihan na kami ni misis.

Hindi naman nawawala ang away. Basta wala lang pisikalan o pananakit. Kahit magsigawan kayo, pero syempre nakakahiya rin sa mga kapitbahay.

Kami ‘yung laging magkasama at kami rin ang laging nag-aaway. Unti-unti, lalo na’t lumalaki na ang mga anak namin, mas nagiging sweet kami sa isa’t isa. Kami na lang din uli na mag-asawa ang maiiwan. Magsisipag asawa rin ang mga anak namin. Kaya we enjoy life. Mahalaga na  pareho kayong gustong matulungan. Gumawa ng paraan kung paano ninyo aayusin ang takbo ng buhay ninyo. ‘Yun lang po at sana kapulutan ng aral ang kwento ng buhay ko.

Mang Dan

Dear Mang Dan,

Salamat sa ibinahagi mo. Kung panay ang pag-aaway, maaaring subukan ang mga sumusunod para mapabuti ang kanilang relasyon.

Subukang makipag-usap ng tapat at maayos. Iwasan ang pagsasalita nang may galit o pagkainis. Ang paglalatag ng mga isyu nang mahinahon ay makakatulong sa pagresulba ng problema.

Tanggapin ang sariling bahagi sa mga hindi pagkakaintindihan. Ang bawat isa ay may papel na ginagampanan sa mga away, at ang pagkilala sa sariling pagkakamali ay mahalaga.

Subukang ilagay ang sarili sa sapatos ng partner para mas maunawaan ang pananaw at damdamin niya. Ang empatiya ay maaaring magbukas ng pinto sa mas magandang pag-uusap.

Mag-focus sa paghahanap ng solusyon sa problema, kaysa sa pagbibintang. Makipagtulu-ngan para matukoy ang hakbang nang maiwasan ang mga paulit-ulit na isyu.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with