^

Dr. Love

Iba ang ama ng ipinagbubuntis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawa na po ang anak namin ng asawa kong si Ruru pero sa maiksing panahon ay napagtaksilan ko siya. Ang masaklap pa ay nagbunga ang kataksilang ito.

Isang kasamahan sa opisina ang ama ng sanggol. Bagaman alam ng mister ko na buntis ako, wala siyang kamalay-malay na hindi siya ang ama.

Sobra pa naman ang pagka-excited niya. Dahil siya ang kasama ko nang magpatingin ako sa aking OB-Gyne at sabihin na lalaki ang sanggol. Tuwang-tuwa ang mister ko at ipinamalita niya ito sa lahat.

Dahil dalawang babae po ang aming anak at matagal na niyang gustong makalalaki.

Nangangamba ako kung mabisto ako kapag hindi niya maging kamukha ang bata? Kung sabagay may pagkakahawig naman sila ng aking karelasyon.

Alam din ng kaopisina ko na magkaka-anak na kami. Pero pareho namang wala sa isip namin na buwagin ang kani-kaniya naming pamilya. Nung huling magkausap kami, sinabi ko kay Randy na  tigilan na namin ang aming kahibangan.

Kaya lang, in-love na kami sa isa’t isa. Mahal ko po ang mister ko. Dapat ko bang aminin sa kanya ang pagtataksil ko? Pagpayuhan po ninyo ako, ayaw kong makaapekto ang kamalian kong ito sa aming mga anak.

Maraming salamat sa inyo, Dr. Love at more power.

Tetay

 

Dear Tetay,

Talagang palaging nasa huli ang pagsisisi.  Walang mister ang matutuwa kong malaman niyang napindeho siya. Kaya ang maipapayo ko, sa lalong madaling panahon ay putulin mo ang ugnayan mo sa iyong karelasyon.

Kung kailangan dumating sa punton na ikonsidera mo ang pagre-resign, gawin mo at humanap ka ng ibang mapapasukan. ‘Yan ay kung seryoso kang mapangalagaan ang katahimikan ng iyong pamilya.

Lahat naman tayo ay nagkakamali, pero dapat ay pagsikapan natin na maitama ang anumang pagkakatisod at agad na bumangon sa kinalugmukan.

Tungkol sa pagtatapat mo, gawin mo kung hiningi na ng pagkakataon.

Pero dalangin ko na kapag dumating ang sandaling ‘yun ay hindi ganoon katindi ang sakit at maka-move on agad ang pamilya mo. Sana rin ay magtanda ka na at huwag nang madagdagan pa ang pagkakamali mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with