^

Dr. Love

Pakakasalan ba o hindi?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako si Herbert, 25 anyos at binata. Nabuntis ko ang girlfriend ko at umiiyak siya sa akin na pakasalan ko siya. Papatayin daw siya ng tatay niya kapag nalaman ito.

Anim na buwan ko na kami ni Lorna at mahal ko siya.

Lumukso nga ang puso ko nang sabihin niyang nabuntis siya.

Pumayag ako. Katunayan nagtapat na ako sa mga magulang ko at ang sabi’y nasa wastong edad na ako para magpasya sa sarili ko.

Pero pinagpayuhan ako ng friend ko, baka raw hindi sa akin ang dinadala ng girlfriend ko dahil balita niya may iba itong boyfriend.

Nalilito tuloy ako, pakakasalan ko ba siya o hindi?

Herbert

 

Dear Herbert,

Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait na sarili, sabi ng matandang kawikaan. Dahil ba sinabi lang ng kaibigan mo ang isang impormasyon na galing sa iba ay paniniwalaan mo na?

Ni hindi mo nga alam kung totoo ang naging basehan sa sinabi niya sa’yo.

Kung nakabuntis ka, responsibilidad mong panagutan ang magiging anak mo. Kung duda ka na anak mo ito, gumawa ka ng sariling pagsisiyasat.

Magpakalalaki ka at harapin mo ang pananagutan na bunga ng sarili mong kagagawan. Gawin mo ang dapat.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with