^

Dr. Love

Worried na mag-iisang

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Wala nang pinakamahalaga sa akin kundi ang nag-iisa kong anak na si Lloydy. Bunga siya ng aming pag-iibigan ni Paul, ang boyfriend ko noong araw na inayawan ng aking mga magulang.

Kahit nabuntis ako ay minabuti ng aking mga magulang na paglayuin kami. Sa sama ng loob ay nag-suicide si Paul. Twenty years na ang lumipas at nag-iisa akong nag-aruga sa aming anak sa tulong ng aking mga magulang hanggang makatapos ng college.

Patay na rin ang aking mga magulang sa ngayon at sa akin iniwan ang kanilang negosyong jewelry shop, pati na ang aming tahanan.

Nagpaalam sa akin si Lloydy na mag-aa-sawa na. Ipinakilala niya sa akin ang kanyang girlfriend.

Lihim kong kinausap ang aking anak. Kung mag-aasawa siya, paano na ako? Siya lang ang aking gabay dahil nag-iisa na ako sa buhay.

Sabi niya, hindi naman niya ako pababa-yaan. Kung gusto ko raw, tumira ako sa kanilang lilipatan. Sa aking silid ay naiiyak ako sa aking pag-iisa. Mawawala ang kaisa-isa kong anak na nagpapaalala sa aking sa minamahal kong Paul.

Singkwenta anyos na ako at walang katuwang sa buhay kundi ang aking kaisa-isang anak.

Nakatakda na silang ikasal sa susunod na taon at habang lumilipas ang mga araw ay lalo akong binabalot ng takot sa napipinto niyang pagkawala.

Pagpayuhan mo po ako.

Susan

 

Dear Susan,

Nang tutulan ng mga magulang mo ang pakikipagrelasyon mo kay Paul, ganyan din ang na-ging situwasyon mo.

At dahil diyan, isang trahedya ang naganap nang kitlin ng iyong boyfriend ang sarili niyang buhay.

Mahal mo ang iyong anak, kaya respetuhin mo ang kanyang damdamin at desisyon na lumagay na sa tahimik.

Isipin mo na lang na hindi ka nawalan, sa halip ay nadagdagan pa ng isa ang iyong anak sa katauhan ng iyong magi-ging manugang.

Hilingin mo sa anak mo na huwag na lang silang bubukod kundi manatili sila sa piling mo, tutal nag-iisa mo siyang anak na sa sandaling pumanaw ka ay siya rin namang magmamay-ari ng iyong maiiwang bahay.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with