^

Dr. Love

Ang huling pag-ibig ni Hugo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Hugo, 63 anyos at sa edad kong ito’y umaariba pa sa paglalako ng balut. Iyan lang ang ibinuhay ko sa aking pamilya nang sila’y kapiling ko pa. Mahirap pala ang nag-iisa sa buhay at nag-iisa sa bahay.

Biyudo na ako at sarili ko na lang ang binubuhay ko. Ang dalawa kong anak na babae ay kapwa Amerikano ang napangasawa. Dati silang mga GRO sa isang club sa Olongapo at sila ay namimirmihan na sa US at wala na akong balita hinggil sa kanila.

Sa paglalako ko ng balut sa gabi, lagi akong dumaraan sa isang bar sa Olongapo dahil nirarasyunan ko ang suki kong si Beth. 57 anyos na siya ngunit kumakayod pa rin bilang receptionist. Dati rin siyang hospitality girl pero dahil sa edad ay nagretiro na. Naging malapit kami. Ayaw ko nang pabayaran ang mga binibili niyang balut pero ayaw niya ng bigay dahil ito lang daw ang kabuhayan ko.

Akala ko ay M.U. na kami. Pero nang magtapat ako sa kanya ng pag-ibig, sinabi niya sa akin na parang kaibigan lang ang trato niya sa akin. Sinubukan kong ulit-ulitin ang pagdiga ko sa kanya pero talagang wala.

Tumigil na ako sa panliligaw at baka kainisan niya ako.

Naisumpa ko sa sarili ko na siya lamang ang babaeng huli kong iibigin. Sino pa ba naman ang iibig sa isang matandang kagaya ko na magbabalut lang? Pagpayuhan mo ko ako.

Hugo

Dear Hugo,

Korek ka dyan. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa babaeng walang gusto sa iyo.

Panatilihin mo na lang ang inyong pagkakaibigan. Paminsan-minsan, alukin mo siya ng libreng balut. Kung ayaw, tanggapin mo ang bayad.

Malay mo, baka sa katagalan ay ma-deve-lop siya sa iyo?

Sana huwag mong isasara sa iisang babae ang option mo. Kung igagala mo ang iyong paningin, marami ka pang posibleng ibigin.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with